Dear Mr. Bashful

964 44 31
                                    

Dear Mr. Bashful

May mabigat na dumadagan sa dibdib ko habang may maaligasgas na dumidila sa aking brasong nakatakip sa aking mukha.

"Meow?"

Ibinukas ko ang aking kaliwang mata at tumambad sa aking nanlalabong paningin ang matabang mukha nang aming pusa. Hinimas ko ang kanyang ulo at ngumiyaw na naman siya. Nakangiting binuhat ko siya mula sa aking dibdib dahil napakabigat niya at nawawalan na ako ng hininga. Tumagilid ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Do you think I'm crazy?" 

"Meow?" pinagmamasdan ako ni Furball. "Meow."

"Yeah, I think I am too."

Nagulat ako sa malakas na katok sa pinto.

"Sir Adrian, tumatawag si Tita Liza ninyo. Bakit daw hindi pa kayo bumabangon? Late na daw kayo." Narinig kong sabi ni ate sa kabilang side nang pintuan.

Bigla akong napatingin sa aking relo.

Oh, shit. 

...oOo...oOo...oOo...oOo...

 Nagulat ako nang lumapit si Christoph sa table nang barkada ko sa cafeteria. Karaniwan silang nakaupo ni Adrian na magkasama o kaya ay dun sa table kasama ng ibang swimming varsity.

"Hey, pwede ka bang kausapin?" seryoso niyang tanong.

"Ha? Bakit?"

"Adrian." ang maikli niyang sagot.

Tumayo ako at nag-excuse sa mga barkada ko. Nagtinginan sila at may mga pilyong ngiti sa kanilang labi. 

Sumunod ako kay Christoph palabas nang cafeteria. Mabilis siyang maglakad kayat napahabol ako. Bigla na lang siyang tumigil at humarap sa akin nang makarating kami sa likod ng library. Sa sobrang kakahabol ko ay bumangga ako sa kanya.

"Ay naman, sakit nun ah." reklamo ko at hinawakan ang aking ilong na napisa sa dibdib niya.

"Sorry," mahina niyang sagot tapos tumitig sa akin.

"Ano bang problema?" tanong ko. May sinabi kaya sa kanya si Adrian? Oh noes...

"Ano bang ginawa mo dun sa kaibigan ko at parang nawawala na ata sa sarili?" Nakaarko ang isa niyang kilay at pinagmamasdan ang aking reaksyon.

"Ha? Wala!" tanggi ko. Mukhang wala naman atang sinabi si Adrian. 

"Panong wala? Eh bakit siya nagkakaganyan?" Naiiritang sabi ni Christoph "Sabi nung boys magkakasama daw kayo nung Sabado."

"Ewan ko. Bakit ako tinatanong mo?" inirapan ko siya "Mukhang okay naman siya kanina..."

Pinandilatan ako ni Christoph, "Anong okay dun? Hindi okay si Adrian!"

"Ha?"

At nagsimula siyang mag-sermon;

"Una sa lahat: Hindi nala-late si Adrian. Simula pa lang grade one kami ay magka-section na kami niyan at kahit nagdedeliryo na yan sa lagnat ay di yan nala-late. Yung adviser pa nga namin ang tumatawag sa bahay nila para lang mapilitan siyang umuwi."

"Pangalawa: Hindi yan pumapasok nang hindi naliligo. May lahing isda yang si Adrian. Mamamatay yan pag inilayo nang matagal sa tubig."

"Hindi siya naligo? Ewww...." nandiri ako, "Tapos inamoy mo?"

"Tumigil ka nga diyan, nang-iinterrupt ka pa sa moment ko." singhal sa akin ni Christoph.

"Pangatlo: Hindi siya nagdadala nang kotse sa school. Bakit nandiyan si Midori sa parking lot?"

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon