Dear Mr. Otaku

3.8K 93 36
                                    

CHAPTER 1: 

Nakatingin na naman siya sa akin. Akala niya hindi ko napapansin na kanina pa niya ako pinagmamasdan. Minsan gusto kong magtanong kung ano bang tinitingnan niya tuwing nagtatama ang aming tingin. Bigla na naman niyang ibababa ang kanyang tingin at makikipagusap sa katabi niya, pero mamaya makikita ko na naman siya. 

Hindi naman siguro dahil crush niya ako? Malayo. Imposible. 

Hindi and isang kagaya ni Dianne Gutierrez ang magaaksaya nang panahon sa isang tulad ko. Bakit? Kasi hindi kami magka-level. Ni hindi kami magkaibigan bagama't tatlong taon na kaming magkasama sa iisang section. Kasama siya sa popular crowd samantalang ako e nasa kabilang spectrum. Closet otaku ako. Hindi ako mahilig makihalo doon sa ibang sobrang blatant at ipinagsisigawan ang pagiging fan. Tahimik lang.

"Dude penge namang 1/2," sabi nang katabi kong si Christoph, "may quiz tayo, ready ka na?"

"Ok, short quiz lang naman daw e," sabi ko sabay kuha nang pad paper sa backpack kong nasa ilalim ng mesa.

Nagpasukan na ang mga kaklase kong nakatambay sa corridor. Nandiyan na si ma'am kaya magsisimula na ang klase.

"Okay class get one-half sheet of paper and number it one to fifteen," ani ng guro namin pagkapasok pa lang sa kwarto. Nagmamadali ang lahat na makabalik sa upuan at kanya-kanyang hugot ng ballpen at papel.

Siyempre nakalabas na ang pad paper ko at maraming mga nangungusap na mata ang tumitig sa akin.

"Oi, hindi ako National Bookstore," sabi ko sa kanila bagama't isa-isa kong pinilas ang pahina ng pad paper para sa lahat ng kaklaseng kumalabit at naglahad ng palad nila. 

"Papalitan ko bukas, pramis." Lumingon ako sa mahinang bulong. Si Dianne, nakangiti habang inaabot ang papel na hawak ko.

Napatanga ako. Siya lang ang sumagot sa dinami-dami nang kamay na kumalabit sa akin. Signs?

"Adrian!" malakas na bulong ni Christoph sabay siko sa akin, "number three na."

"Ha?"

"Number three na at nakatingin sa'yo si ma'am".

Shit. Ang quiz. 'Langya ka Dianne na-miss ko ang question number one at two. Putik. Balik ang mga mata ko sa sarili kong papel. Ni hindi ko pa nasusulatan nang pangalan o section. Dali-dali kong sinagutan ang mga tanong pero sayang talaga ang one at two. Sigurado ako sa lahat ng sagot ko kaya malaki ang hinayang ko dahil malamang na perfect sana ako sa quiz. 

Nag-check kami nang papel. Putik 13/15 ako. At ang na-miss kong dalawang tanong lang ang walang score.

Stop staring at me, damnit!

Pinasa namin ang papel. Nakasimangot ako. 

"Chill," nagbibirong sabi ni Christoph. "Ako nga eleven lang."

"Okay class we're going to have a pairwork for the next project. Those on row one and two will pick out the names from people in row three and four."

Inabot ni ma'am ang kahon na may mga rinolyong papel ng mga tao sa row three at four. Nagdadasal akong matino sana ang mabunot ko. Umikot ang kahon hanggang sa ako na ang bubunot.

Ara Fernando. Great. Sarkastiko ako. Sa lahat nang mabubunot ay 'yong pinakamaingay pa. At no offense pero nakasama ko na siya dati. Looking forward to working on my own. 

"Sino yan?" tanong ni Christoph, sabay kuha sa papel ko. 

"Ara. Wow." Ang laki ng ngiti ni Christoph. Crush nga pala niya si Ara.

"Gusto mo makipagpalit?" 

"Sino ba nakuha mo?" tanong ko.

"Si Dianne."

Dianne na naman.

"Oi Dianne dito ka na lang kay Adrian, makikipagpalit ako." 

Crap. Nag-agree na ba ako?

"Okay," sabi ni Dianne. Nakangiti sa akin. 

 "Okay," sagot ko.

Goodluck sa project namin. 

A/N: My reason for writing this piece:

I've been writing English stories for quite some time that I noticed even my internal dialogue has become purely English. I want to explore my Tagalog once again. The last time I wrote anything purely Tagalog was more than 10 effin' years ago.


Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon