Chapter 8: Dear Mr. Cupid
"Pwede bang umupo dito?"
Tumango ako at hindi nag-angat nang tingin sa Bristol Board na nasa aking harapan. Gustong-gusto ko sanang i-entertain si Dianne pero kailangan nang buong konsentrasyon ko para umabot sa deadline ang commissioned artwork na dapat ay nung weekend ko pa natapos. Mukhang kuntento naman siya at tahimik na nanonood sa aking ginagawa.
"Baka ma-bore ka." sabi ko sa kanya.
"Hmmm... no. Ang ganda ng view eh."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Ang sarap ng pakiramdam na nagugustuhan niya ang ginagawa ko.
Well, that makes missing the damn deadline more than worth it!
Gustong-gusto ko nang matapos ang piyesang ito para makausap ko na siya pero natatakot ako na baka magkamali at ulitin ko pa mula simula. Inuutusan ko yung mga kamay ko na bilisan ang pagkukulay para naman hindi siya maghintay nang matagal.
Please be done already! Damn OCD. Kung hindi lang ako perfectionist ay pababayaan ko na itong unfinished work.
To hell with it.
Pero dahil ako si Adrian Monte Arevalo, I just can't let that happen.
"Anong tawag dito?" dinampot niya ang isa sa mga pangkulay ko. "Color pens?"
"No. They're called copic color markers."
"Hmmm..."
Hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya. Nakatitig siya sa ginagawa ko at may ngiti sa labi. Nililipad nang mahinang hangin ang buhok niya at parang gusto kong palisin ang mga hibla nitong tumatabing sa kanyang pisngi.
"Oi Fishda, dito ka lang pala!" nabitawan ko ang hawak kong marker nang biglang may mabigat na dumagan sa likod ko.
Way to go Christoph.
Inabot ni Dianne ang marker na nahulog sa damuhan. Hindi ko napigilang irapan ang nakangising si Christoph.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito, brad? Kanina pa kaya kita hinahanap," Sabi nito na mukhang prenteng-prente sa posisyon niyang nakapatong ang magkabilang siko sa balikat ko. "Wala si Martin, ikaw daw mag-lead sa cross-training mamaya sabi ni Coach."
"Okay, okay. Now get off me." Iniabot ni Dianne ang marker ko "Thanks."
Umupo si Christoph sa tabi ni Dianne.
"Kaw, anong gawa mo dito?" tanong niya. Ano na naman kayang balak ng kumag na ito?
"Wala. Pinapanood ko lang si Adrian." mahinang sagot ni Dianne.
Sa di ko mawaring dahilan ay gusto kong sakalin si Christoph.
"Kanina ka pa kaya hinahanap nila Jen. Tinanong ka pa nga sa akin eh."
" 'Yaan mo lang sila." nakasimangot na sagot ni Dianne.
Ibinaba ko ang markers at tumingin sa kanya "Did you have a fight?"
Umiling siya. "Nakakainis lang kasi lagi nila akong inaasar sa kuya ni Jen. Nakakailang kaya."
"Oh? Mga babae talaga, tsk." inakbayan niya si Dianne "Tama, dito ka na lang sa fishdang 'to at mas tahimik pa."
Get your damn hands off her!
"Christoph." tiim-bagang kong binanggit ang pangalan niya. Napatingin siya sa akin, tapos sa braso niya at parang napasong bigla niyang tinanggal sa balikat ni Dianne. Tinapunan niya ako ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Otaku (Completed)
Roman pour AdolescentsNagsimula sa inosenteng pagtatagpo ng mga mata, Tinginan, sulyapan... Iyong unang ngiti, Unang pag-uusap, Hanggang sa dumarami, lumalalim... Unang halik, unang pag-ibig. Hawakan mo ang aking kamay, Tayo'y sabay Sa pagtuklas nitong tinatawag na pag-i...
