Dear Mr. Disaster

790 39 15
                                    

Dear. Mr. Disaster

Hindi ako dalawin ng antok. 

Bago mag-alas-diyes ay naihatid na ako nila Adrian sa bahay at maayos silang nagpaalam kila Mama at Papa. Natuwa naman ang mga magulang ko sa pagiging magalang ng mga kaibigan ko kahit na na-weirdohan sila sa itsura ng mga ito. Hindi kasi sila nag-alis ng costume kahit na pauwi na kami.  Si kuya naman ay di malaman kung saan mag-do-drool, sa kotse ni kuya Andrew o sa seksing si Ate Aria. Gustong-gusto ko talagang batukan siya kanina.

Pagkatapos kong magbihis ay umakyat na rin ako kaagad para makapagpahinga. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng binti at bukong-bukong ko dahil sa kakalakad. Pagod pero masaya ang pakiramdam.

Pero kahit pagod ako ay nananatiling gising ang aking diwa. Bumabalik sa aking isip ang mga pangyayari kanina. Hindi ko na namamalayan na nakangiti na akong parang siraulo sa kisame.

Ahhh... bakit naman kasi ang sweet nung alien na yun?

Binilhan pa niya ako ng puting character hat na may cat ears tapos yung sa kanya naman ay black.  

Arrgh! Na-gui-guilty na naman tuloy ako.

Pinatay ko na yung ilaw para mag-antok ako pero nananatiling nakabukas ang aking mata. Napapatingin ako sa bawat ilaw nang nagdaraang sasakyan sa labas o kaya sa mga anino ng puno sa bintana.

Tila nakababaliw ang impit na tunog nang aking relos habang patuloy itong pausad-usad. Isang minuto... dalawang minuto... labinglima...

Nang hindi umubra ang pagbibilang ng mga minuto ay binuhay ko ang cellphone ko. Pinagmasdan ko ang mga larawan namin sa anime convention. Makulay, maingay, masaya... iba talaga ang buhay ng mga alien.

Napatigil ako sa group selfie na kinuha ni Angela gamit ang cellphone ko. Magkakasama kaming lahat sa larawan at naka-peace sign, maliban kay Adrian na nahuli ng kamera na nakatitig sa akin. Namula ako sa ekspresyon ng mukha niya.

Nyaah! Bakit kinikilig ako sa alien na yun?

Buong araw ay hindi mawala-wala yung feeling na kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari pero at the same time ay excited din ako.

Hindi naman ito yung first time na may nagkakagusto sa akin, pero ito yung first time na gusto ko yung nagkakagusto sa akin.... hahaha, ano raw? Nababaliw na 'ata ako sa alien na yun.

Inaamin ko na nga yatang nahuhulog na ang loob ko sa isang alien.

Ano ka ba talaga Adrian Dominic Monte Arevalo? Bakit ginugulo mo yung feelings ko? Pati yung mga kaibigan ko nakakalimutan ko ng dahil sa'yo.

Nakita kong 11:30PM na pala. Thirty minutes na lang at birthday na ni Adrian. Nagsimula akong mag-compose ng birthday message sa kanya para naman makabawi ako. Gusto kong ako ang unang bumati sa kanya.

Nang sumapit ang alas-dose ay pinadala ko na yung birthday message ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang nagreply kaagad. Nilagay ko sa silent mode ang cellphone ko para hindi marinig nila Mama.

'Thank you. Why are you still awake?'

Napakagat-labi ako. Kasi hindi ako makatulog dahil sa 'yo! Pero syempre hindi ko naman pwedeng sabihin yun.

'Gusto ko, ako ang unang mag-greet sayo sa official birth date mo.' At least totoo naman ang sagot ko.

'Sleep na. Oyasumi Dianne.' Nai-imagine ko yung mukha niya habang sinasabi yun sa akin. Tinakpan ko nang unan ang mukha ko at doon impit na tumili.

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon