Dear Mr. Sweetness

1K 56 17
                                    

Chapter 5: Dear Mr. Sweetness

"Gutom na ko kain na tayo!" Pagmamaktol ni Dane, isang second year na team mate ni Adrian sa varsity.

Hinila sya pabalik ng pool ni Chris, isang third year naman pero hindi namin ka-section "Sabi na kasi kila Adrian na lang tayo mag-training, wala pang bayad saka libre yung food."

"WTF!" sigaw ni Dane pagkaangat sa tubig. Tawa nang tawa ang lahat nang hinila niya ang trunks ni Chris hanggang sa mahubad.

"Yaaak! Itago niyo nga yang monster na yan!" sigaw ni Alex at sumampa na sa gilid ng pool.

"Ewww!! Bastusan na! Ayawan na, di na masaya..." Kanta ni Louie, habang humahagalpak naman ng tawa si Joseph. Winisikan siya ng tubig ni Louie sa mukha.

"Hey guys tama na yan" saway ni Martin, ang fourth year na team captain. "Nakakahiya na kayo."

Nagsampahan paakyat ang mga members nang varsity team pero hindi pa rin tumigil sila Dane at Chris sa paghahabulan. Pinituhan sila nang lifeguard dahil bawal magtakbuhan sa gilid ng pool.

''Boys, behave!' Sigaw ni Coach Bert. Tumigil naman ang mga naghahabulan at lumapit.

"Ito kasing si Dane ang ingay-ingay" bungad ni Chris.

Siniko siya ni Dane, "Eh ikaw kaya diyan, nangunguha nang trunks! Ewww!" Akmang babatukan siya ni Chris.

"Kaya nga ayaw ko na kila Adrian tayo. Tignan niyo nakakahiya ang ugali niyo!" singhal ni coach na namumula sa inis. "Both of you, ten more laps"

"Nooo!" sabi ni Dane na sapo ang kanyang ulo at tiyan. "Gutom na gutom na ko! Kinakain na ng small intestines ko ang big intestines ko!" pagdra-drama niya.

"Shhh... wag ka na maingay diyan kumag, baka mamaya dagdagan pa." Tinakpan ni Chris ang bunganga niya at hinila na siya pabalik nang pool para simulan ang kanilang parusa.

"Weeeh, Coach? Ayaw mo ba makita si Tita Liza? Yikeeee!" pang-aasar ni Louie.

"Tumigil nga kayo. Kung anu-anong tsismis ang sinasabi niyo."

"Uy si Coach namumula oh! Hahaha!" hindi pa rin siya tinigilan ni Louie.

"Baka gusto mong sumunod dun sa dalawang kumag?" Tanong ni Coach Bert.

"Eh ikaw kaya? Gusto mo lang pumunta dun kasi andun si Angela!" sabat naman ni Alex.

Lumaki ang mata ni Louie at tinulak si Alex na tawa ng tawa. Nakita kong namula ang pisngi ni Angela.

Ayy may naaamoy ako! Love is in the air!

"Labas na tayo. I'll text kuya Andrew." Sabi niya at nagmamadaling lumakad palabas ng pool area.

"Hoy Louie aalis na girlfriend mo!" pang-aasar ni Joseph.

Hinila ni Alex si Louie at ipinagtulakan papunta sa amin, "Baby come back!"

Lalong binilisan ni Angela ang paglakad.

Tumigil lang siya nang makarating na kami sa lobby.

"Baka, baka, baka..." narinig kong mahina niyang bulong habang busy sa pag-te-text sa kanyang cellphone.

Sinamahan ko muna siya at maya-maya ay nagdatingan na ang mga boys na bagong shower.

"Kain na tayo!" Sigaw ni Dane "Manlilibre daw si Chris!"

"O, anong kinalaman ko diyan?"

"Langya, kaw kaya may kasalanan kung bakit andami kong gutom."

Luminga-linga ako "Asan na si Adrian?"

Dear Mr. Otaku (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon