Lahat tayo may ideal man na hinahanap , lahat tayo may qualification sa isang lalake , kong baga dun tayo mag bibase kong anong klase ba ng tao ang gusto natin sa future pero paano kong yung lalaking makikilala mo ay wala sa mga qualification mo ?? Kaya mo ba syang mahalin kahit alam mong wala siya sa hinahanap mo ??
Ang love talaga sadyang mapagbiro na kahit pilit mong nilalayo ang sarili mo sa kanya at siya namang pilit ng pilit para magustuhan mo siya , hindi mo alam pero malalaman mo na lang na unti unti ka ng nahuhulog sa kanya yung bang nalulungkot ka kapag hindi siya nakikita. Sa love malalaman mo lang na mahal mo siya kapag nahulog ka na at hindi mo alam kong paano mo siya nagustuhan at kong paano mo nagagawa yung mga bagay na sa tingin mo ay hindi naman dapat sadyang mapagbiro talaga ang tadhana yung pilit kayong pinaglalayo pero at the end kayo pa rin sa huli. Yung bang gusto mo ng sumuko pero siya hindi ka kayang I give up.
Lahat naman daw tayo may nakatakda sa isat isa , sabi nga nila tayo ay may sariling destiny pero kaya ko bang sundin yun kong hindi naman siya ang ideal man na gusto kong makasama sa buhay.
Ang gusto ko kasi sa isang lalake yung.
- Mabait
- Hindi gwapo sakto lang
- Family Oriented
- May pangarap sa ming dalawa
- Mahal ako
- Simple lang
Yan lang ang ideal man ko wala na kong hihilingin pa basta na sa kanya lang ang lahat ng qualification ko na hinahanap ko sa isang lalake , simple lang ang pangarap ko ang makatagpo ng lalaking mag mamahal sa kin ng totoo.
Pero paano kong kabaliktaran lahat ang mangyayare ?? Yung bang wala sa qualification ko ang hinahanap ko sa isang lalake ?? Paano kong handa akong baguhin ang ideal man ko dahil mahal ko siya o dahil napamahal ako sa kanya ?? Mahal niya ko dahil kailangan nyang maging matatag para sa sarili niya para magkaroon ng pag asa sa buhay niya .
Hindi naman lahat ng story perpekto pero masasabi ko na kapag mahal mo ang isang tao hindi mo siya iiwan kahit sa huli bagkus iintindihin mo siya at ipag lalaban. Ganon daw pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat kahit mahirap.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa loob ng kwarto niya . Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kong ano na naman ang gagawin niya sa kin.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at ..
Booooggggsssshhhhh !!!!
Muntik na kong matamaan ng binato niya buti na lang talaga at nakailag ako .
"Ano bang ginagawa mo !!! " sabi ko
"Get out of my room now!!!! I don't need to see your face !!! Get out !! " sigaw niya
Nilapag ko yung dala dala kong gatas niya.
Inayos ko yung sarili ko dahil punong puno na ko sa kanya, akala niya ba hindi porket siya ang amo ko eh pwede na niya akong ganituhin.
"Alam mo ikaw , hindi ko alam kong anong meron sayo at lagi ka na lang ganyan , para kang pinagbagsakan ng langit at lupa , ang hirap mong intindihin hindi ko --------- " pinutol niya yung sasabihin ko
"You just a maid , kaya manahimik ka na lang because you know nothing !!!! " sigaw niya
"Yan ang hirap sayo akala mo ba hindi ako nahihirapan sa tuwing sinisigawan mo ko kapag papasok ako sa kwarto , para akong papatayin sa tuwing papasok ako sa kwarto mo" sabi ko
Iniwas niya yung tingin sa kin
"Eh kong pagod ka na pwede ka ng lumayas sa bahay na to! " sigaw niya
"Okay fine , dahil pagod na rin ako sa kakaintindi sa taong pinipilit maging bata , wala ng mag aalaga sayo at habang buhay tanging ang higaan mo na lang ang makakasama mo " sabi ko
Nakakainis na kasi , ang hirap hirap na nga ng work ko dagdag pa siya sa pabigat. Tumalikod ako at akmang bubuksan ang pinto ng bigla syang..
"Parepareho lang kayo " napahinto ako pero hindi ko siya nilingon " no one can understand me , kong iiwan mo ko para mo na ring sinira ang buhay ko, sayo lang ako humuhugot ng lakas para gumaling ako " hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang luha ko " kaya please don't tell me alone " sabi niya
Ramdam ko sa mga boses niya yung lungkot at takot kapag umalis ako ng bahay , kahit ako nahihirapan na dahil unti unti ko ng natutunan syang mahalin kahit ang totoo hindi siya yung klase ng tao na type ko
Lumabas ako ng pinto at dun na bumuhos ang mga luha ko sumandal ako at pilit na nilalakasan ang loob.
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo kahit ang totoo nakakasawa ng intindihin. Pero paano kong ikaw na lang ang nakikitang pag-asa niya para gumaling siya ?? Kaya mo bang gampanan kong ano ang dapat ??
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...