Bumukas yung sasakyan ni Jasmin kaya napatingin ako sa nag bukas at nakita ko siya kasama niya si Luke. Kitang kita ko yung saya ng nararamdaman niya.
"Let's go " sabi niya sa akin kaya tumango naman ako bilang sagot saka niya sinara yung pinto at binalik ang atensyon kay Luke. Huminga ako ng malalim saka ngumiti para hindi ako kabahan at bumaba na ko ng sasakyan. Nakakapit si Jasmin sa siko ni Luke habang nakatingin sila sa akin.
"Hi Lorie. " bati sa akin ni Luke.
"Hello " nakangiti kong sabi.
"Anyway let's go baka mawalan tayo ng upuan " sabi naman ni Jasmin kaya naglakad na kami papunta sa event. Silang dalawa ang nauna dahil magsyuta naman sila habang ako nasa likod nila. Ang awkward lang dahil wala akong kapartner. Well sanay naman ako. Hindi na rin ako umaasa na darating si Prince.
Habang naglalakad kami papunta sa gym ang siya namang pag-umpisa ng kaba ko. Ewan. Baka kasi hindi bagay sa akin yung suot ko o mag mukha lang akong tanga sa suot ko. Buti pa si Jasmin confident na irampa yung suot niya tudo kapit pa siya kay Luke. Nung makapasok na kami sa loob ng gymnasium tinginan sa amin yung ibang estudyante dahil siguro sa agaw agentson na suot ni Jasmin.
Maganda ang ayus ng gym, sa front ng gym may malaking stage na nilagay tapos sa magkabilang gilid yung mga tables and chairs. Maganda din ang pagkakaayos ng mga tables and chairs dahil sa telang nakacover doon. May open area sa center hindi ko alam kong saan tapos yung catering naman sa gilid ng stage. Nung nakarating kami sa section namin pinagtinginan ako ng mga classmates ko.
"Is that Lorie ?? Akalain mo yun may igaganda pala siya " pabirong sabi nung isang kaklase ko na nasa kabilang table.
"In fairness gumanda siya sa suot niya. " sabi nung kasama niya. Meron din naman naiinggit sa suot ko, hindi daw bagay sa akin ang suot ko dahil hindi naman ganon kalakihan ang hinaharap ko. Yung iba naman sabi nila hindi daw bagay sa akin ang suot ko.
"Wag mo na lang pansinin yun Lorie. Come on maupo na tayo. Ang ganda ganda mo kaya sa suot mo. " sabi pa ni Jasmin. Ngumiti na lang ako with a confidence.
"You're right. Hindi ko ikakamatay kong insecure sila sa suot ko. " sabi ko pa. Inayos ko yung upo ko habang sila ni Luke ang magkabi. Kaharap ko sila sa upuan, nasa pang-anim kami na table mula doon sa stage kaya kita namin yung nasa harapan. Mukhang pinaghandaan talaga ng lahat ng estudyante ang gabi na 'to halos lahat kasi sila ang gaganda at ang gagwapo tingnan dahil sa suot nila. Malayo nga ang mga hitsura nila compared kong naka school uniform.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...