Sa buhay talaga marami kang pag dadaanan para makamit mo yung gusto mo , sa buhay nariyan yong susubukan ka ng mga taong nakapaligid sayo , yong bang sila pa ang dahilan kong bakit ka nahihirapan , lagi mong tatandaan na sa iyo pa rin ang huling halakhak.
One thing na natutunan ko sa buhay na kahit walang wala ka na , wag na wag kang bibitaw , part lang ng buhay yan , yong bang darating yong point na gustong gusto mo ng bumitaw, masakit , nakakaiyak, wala kang malapitan kong hindi ang sarili mo , yung bang wala kang magawa kong hindi ang umiyak na lang.
Bakit ko ba to sinasabi ?? Wala lang nakakadala kasi yong background music , kakaluka.
Back to reality na tayo , nakilala niyo na ko , si Jasmin at si Prince.
Pauwi na ko, kong san ako tumutuloy , hindi pa rin mawala sa isip ko yung ginawa sa kin ng Prince na yon akala mo ba nakakatuwa siya , sinabihan ba naman ako ng may pigsa sa mukha , grabe siya , siya na talaga , kasi naman lord kong bakit ang dami kong pimples sa mukha , kayo naman mga pimples kayo , wag naman kayo sabay sabay lumabas.
Napabuntong hininga na lang ako , buti na lang talaga masasagot na yong problema ko , hindi na ko mag kakandarapa sa pag hahanap kong san ako mag hahanap ng work , kahit paano nakakahinga na ko ng maluwag , buti na lang talaga dahil kong hindi baka hindi ko alam kong san ako pupulutin nito.
Napahinto ako sa pag lalakad ng malapit na ko sa tinutuluyan ko.
"Mga gamit ko yon ah " sabi ko sa sarili
Dali dali akong pumunta sa may gate at tiningnan ko yung mga gamit ko.
"Bakit nasa labas ang mga gamit ko ?? " mahina kong sabi
Hindi ko alam kong anong gagawin ko dahil nag tataka ako kong bakit nasa labas ang mga gamit ko.
"Aling Bebang ??? Aling Bebang ?? " tawag ko
Si Aling Bebang siya lang naman ang may ari ng tinutuluyan ko. Kasi nga diba nag rerent lang ako dito sa Manila.
Tinawag ko ulit siya pero hindi sumasagot , hayss , pinag papawisan ako ng hindi ko maintindihan , kasi naman ano bang nangyayare ??
"Aleng Bebang , kausapin niyo ko " sabi ko
Hindi ako tumitigil sa pag tawag hanggat hindi siya lumalabas.
Maya maya pa lumabas si Aleng Bebang halatang kakagising lang.
"Ano ba Lorie ang ingay ingay mo , dis oras na ng gabi bulahaw ka pa ng bulahaw " Aling Bebang
Nakatingin ako sa kanya habang siya nakapamewang badtrip na naman z lagi naman syang ganyan.
"Aling Bebang , bakit nasa labas ang mga gamit ko ?? " sabi ko
Tiningnan niya ko ng masama
"Nag tatanong ka pa ?? Hindi pa ba malinaw sayo na pinapaalis na kita " sabi niya
Nagulat ako ng marinig ko ang sinabi niya
"Aling Bebang naman , baka pwede nating pag usapan to , alam mo naman wala akong matutuluyan eh " sabi ko
"Hoy Lorie , ilang buwan ka ng hindi nakakabayad ng upa mo , abay malulugi ako sayo , ang mabuti pa lumayas ka na , at bukas na bukas may titira na dyan, kaya kong ayaw mong kaladkarin kita dyan " pagtataray niya sa kin
Akmang papasok na siya sa loob kaya naman bigla ko syang hinawakan, nag mamakaawa ako sa kanya halos mag lumuhod na ko sa kanya.
"Aleng Bebang ako na ang nakikiusap , kahit ngayong gabi lang , promise bukas na bukas aalis na talaga ako " sabi ko
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...