Chapter 10 : Concious

4.1K 81 0
                                    

Bakit ba ako nacoconcious sa sarili ko ??

Ano naman kaya kong sinabihan ako ng White na yun na panget. Bakit ba ako masyadong affected sa sinabi niya. Eh diba nga sanay na ko na sinasabihan ng ganon. Pero bakit ganon ?? Nasaktan ako ng sabihin niya yun. Tumingin ako sa salamin saka ko pinag masdan yung mukha ko na may tigyawat na naman. Juice colored ano bang trip ng mga pimples ko at gusto nilang nagpapasikat sa mukha ko.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Jasmin na may session siya ngayon kaya naman dali dali ko siyang tinext na sasama ako. Actually wala talaga akong pakialam kong ang daming tagyawat sa mukha ko pero ngayon juice colored. Anong pag-iinarte ba ito ?? Nagpaalam ako kay Nay Lily sinabi ko sa kanya na may pupuntahan lang ako. Pumayag naman din siya at siya na daw ang bahala na magsabi kay Sir White kapag hinanap ako. Asa pa ako na hanapin ng engot na yun.

Sumakay na ko ng taxi. Saka nagpahatid sa mall. Ewan. Basta ang sinabi lang sa akin ni Jasmin sa mall na lang daw kami magkita. Hindi naman na ako nag-antay dahil dumating naman agad siya.

"Ano bang nakain mo at pumayag ka na sumama sa akin ?? " tanong niya agad sa akin.

"Wala lang " sabi ko pero ang totoo natututo na akong mainggit. Tiningnan ko si Jasmin at nanliit ako sa sarili ko. Dahil gaya nga ng sabi ko sa inyo. Maganda si Jasmin, matangkad, maputi at higit sa lahat kaya niyang dalhin ang sarili niya.

"Well hindi na kita kukulitin Lorie. I just want you to know na I'm very happy sa naging decision mo. I'm sure magugustuhan mo ang treatment nila. Let's go " nakangiting sabi niya saka kami nag-umpisang maglakad papunta sa hindi ko alam kong saan. Nasa likod ako ni Jasmin para lang naman akong alalay niya dahil sa suot kong pang manang.

Habang naglalakad kami, nakakarinig ako ng mga bulungan. Hindi ko nga alam kong bulong pa ba dahil sa rinig na rinig ko yung mga sinasabi nila.

"Ang panget naman niya " sabi nung babaeng kita yung pusod. Juice colored mahanginan ka sana.

"San ka ba nakakita girl ng Maid na maganda Haha " natatawang sabi nung kasama niyang ang kapal ng labi. Juice colored sana kumapal pa ang labi niya.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil wala naman akong mapapala. Mga insecure. Panget na nga ako, aagawan pa ako ng eksena. TSS. Pumasok kami sa isang salon. Naupo naman kuno ako sa may waiting area nila habang si Jasmin tumuloy sa may counter at kausap yung isang magandang babae.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon