Akala natin na yung mga taong naging bahagi ng buhay natin, akala natin makakasama natin sila. Tama nga yung kasabihan na may mga taong dumarating at may mga taong mawawala. Ang importante sa lahat ay kong paano mo siya papahalagahan at papahalagahan pa lamang.
Bakit ba ang hirap magpaalam lalo na sa taong mahal mo ??
Siguro dahil masyado ka lang nasanay na lagi mo siyang kasama o siguro dahil ayaw mo siyang mawalay sayo dahil mahal mo siya ?? Hays. Pag-ibig nga naman talaga oh.
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko pa din yung nangyare kahapon. Ngayong araw yung alis ko sa mansyon at bukas din ang flight nila papuntang US. Nakakalungkot lang dahil parang hindi kami okay ni White. Gusto ko pa sanang pumasok ngayon pero sinabi ni Mam Cathy na pwede na kong umalis wala naman daw masyadong gagawin ngayon dahil naghahanda sila sa pag-alis bukas. Gusto ko sanang tumulong kay White mag-ayos ng gamit kaso naayos na pala ng mga maids yung gamit niya. Hindi ko rin narinig na nag buzz si White kaninang umaga. Feeling ko tuloy galit siya sa akin. Hays.
Habang inaayos ko yung mga gamit ko para bang ang bigat ng pakiramdam ko. Yung bang nag-aalangan kang umalis parang hindi ko talaga kaya. Halos napapabuntong hininga na lang ako. Maya-maya bumukas ang pinto, nilingon ko at nakita ko si Prince. Dahan dahan niyang isinara ang pinto at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa akin habang ako pinagpatuloy ko kong ano ang ginagawa ko.
"Aalis ka na talaga ?? Diba bukas pa ang alis mo ?? " sabi niya in a cold voice. Tinigil ko yung ginagawa ko saka ako tumingin sa kanya.
"Tapos na din naman ang kuntrata ko. " ngumiti ako ng pilit saka ko iniwas ang tingin sa kanya. "Nasanay na din ako sa araw araw na ginagawa ko dito. " dagdag ko pa.
"Then why did you leave ?? " sagot naman niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka ko binalik ang mga tingin ko sa kanya at nakita ko sa mukha niya yung pagkalungkot. Kahit kasi paano naging malapit na din ako kay Prince kaya ang hirap talagang magpaalam.
"Dahil kailangan. " tipid kong sagot. Tumango tango na lang siya bilang sagot. Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko hanggang sa lahat ng gamit ko nailagay ko sa bag ko saka ako tumayo.
"Ako na ang magdadala " Hindi na ako nakatanggi dahil bigla niyang kinuha yung bag ko. Nauna na akong lumabas ng kwarto habang siya nakasunod sa akin. Pagkalabas ko ng pinto ng kwarto ko, napahinto ako sabay tingin sa kwarto ni White. Alam naman niya ngayon ang alis ko dahil siya mismo ang nagsabi kay Mam Cathy na pwede na akong umalis.
"Magpapaalam lang ako. " tumango si Prince saka ako nagsimulang maglakad papunta sa may kwarto ni White kasabay nun ang paglakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim saka ko binuksan ang pinto ng kwarto niya. Tiningnan niya ako pero agad din niyang iniwas ang tingin sa akin. Hindi ko na sinara ang pinto ng kwarto niya. "Aalis na pala ako" sabi ko pero walang sagot akong narinig mula sa kanya. "Mag-iingat ka lagi. Sana gumaling ka. Tulungan mo yung sarili mo na makabangon. Saka sorry pala sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Sa pagiging pasaway ko, sorry kong minsan hindi kita nababantayan " Hindi ko mapigilan maging emosyunal pero siya tahimik lang na nakikinig sa mga sinasabi ko. "Thank you din pala sa lahat ng mga ginagawa mo sa akin. I'm sorry kong hindi ko naaapreciate lahat ----- " Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tumingin siya sa akin. Ganyan ganyan din yung mukha niya nung unang beses na nakita ko siya noon.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...