Wala na akong mahihiling pa kong hindi ang makasama si White sa habang panahon at kong totoo man yung tungkol sa sunrise, hindi ako tututol dahil yun din naman ang gusto ko.
Sa love marami kang pwedeng gawin at isakripisyo. Yung iba naman naniniwala sa trule love waits. Tapos yung iba naman sa destiny sila naniniwala. Kahit ano man ang pinapaniwalaan natin, matuto tayong maghintay sa tamang panahon. Sabi nga nila.
Natapos yung buwan na masaya at maraming nangyare. Sabay kaming grumaduate ni Jasmin sa kursong nursing. Sa lahat ng pinagdaanan ko para igapang ang pag-aaral ko. Tingnan mo nga naman. Gagraduate na ako.
"Lorie congratulation sa atin. " bati sa akin ni Jasmin.
"Congratulations din " tapos nag hug kaming dalawa.
Si Jasmin ang laging nandyan bilang isang totoong kaibigan. Sa hirap at ginhawa lang siyang nandyan kahit na, hindi ko siya kalevel dahil mayaman siya. Pero iba si Jasmin sa lahat ng naging kaibigan. Hindi niya ako hinusgahan gaya ng ibang tao. Napakadown to earth niya. Humiwalay kami mula sa pagkakayakap.
"Best friend forever ?? " sabi pa niya.
"Oo naman. Promise mo sa akin ha. Na hindi ka magbabago dapat ako pa rin yung bff mo kahit na hindi na tayo madalas magkita. " sabi ko sa kanya tapos napangiti na lang siya pero kita ko yung pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"Tingnan mo nga naman. Graduate na tayo ?? Masaya ako para sa ating dalawa. ... Ano ba yan naiiyak ako. " saka sabay kaming nagtawanan. Ganon naman talaga. Tears of joy ika nga nila. Teka. Nasan ba si White ??
"Congratulations sa inyo. " sabay kaming napalingon ni Jasmin. Si White may dala siyang flowers sa amin dalawa ni Jasmin. Iniabot niya kay Jasmin yung isang bulaklak.
"Thank you. " sabi niya habang inaamoy amoy pa yung bulaklak binalik ni White ang tingin sa akin. Napapangiti na lang ako dahil sa sobrang saya ko.
"For you. " nakangiting sabi niya. Kinilig naman ako dun. Hehe.
"Salamat hehe. " si White ang higit na mas importante sa lahat sa akin ngayon. Siya ang dahilan kong bakit marami akong mga bagay na natutunan ngayon. Wala na akong mahihiling pa.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...