Halos hindi pa rin ako maka get over sa mga nangyare kahapon. Alam mo yung feeling na ang ganda ng gising mo dahil dun hehe. Ewan. Naguguluhan pa rin ako kong sino ba talaga ang gusto ko sa kanila. Ang hirap maging maganda eh. Haha.
After kong magbihis ng uniform ko, lumabas na ako ng kwarto dahil baka mamaya marinig ko na naman ang buzzer, ang sakit pa naman sa tenga kagaya kagabi akala mo kong anong kailangan yun lang pala. Napangiti ako habang sabay iling. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil nakaabang pala si Prince sa labas ng kwarto ko.
"Good morning " nakangiti niyang sabi habang ako hindi ko alam kong anong gagawin. Leechee ka Prince. Nginitian ko lang siya bilang sagot hindi ko kasi alam kong ano bang dapat sabihin sa kanya.
"Pasensya ka pala kagabi " sabi ko in a calm voice.
"Its okay.... Yung jacket ko nga pala ?? " sabi niya bigla naman akong nataranta. Juice colored.
"Oo nga pala... Wait ... " agad akong pumasok sa loob para kunin yung jacket niya bumalik din naman agad ako saka ko iniabot sa kanya. "Sorry diko pa nalalabhan " dugtong ko pa. Ngumiti naman siya ng malapad.
"Papalaba ko na lang sa mga maid... Okay ka lang ba ?? " sabi niya kaya napatitig ako sa kanya.
"O-oo Hehe. Sige maiwan na kita " parang ewan kong sabi. Basta nahihiya ako ngayon dahil sa ginawa niya kagabi. Hindi pa naman ako sanay na inaakbayan ng isang lalaki. Agad akong pumasok sa kwarto ni White dahil pakiramdam ko nakasunod yung mga tingin ni Prince sa akin.
"Bakit ngayon ka lang ?? " bungad niya sa akin. Nadatnan ko kasi siyang inaayos ang sarili. Nakapaligo na din siya habang nasa gilid niya yung dalawang saklay.
"May ginawa lang ako. " pagpapalusot ko. Tiningnan naman niya ako ng malalim na akala mo kong kakainin niya ako ng buhay. Kakaluka talaga 'tong si White. Tumayo na siya saka nag-umpisang maglakad palabas ng kwarto niya habang ako nakasunod sa kanya at dala dala ko yung towel at kong ano ano pang kaartehan sa buhay. Dala ko din yung favorite book niya.
Nakasandal pa rin si Prince ng madaanan namin. Halos naman sumabog ang mga tingin nila sa isat isa. Ni hindi nga sila nag kibuan. Tiningnan ko si Prince yung tingin na ayusin yung hitsura niya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sila nagkakaayos. Ewan ko ba sa problema nila. Ang tahimik lang ni White pero ramdam ko yung inis hanggang sa makarating kami sa may garden. Gusto ko sanang magsalita kaso baka ako pa ang pagbalingan niya ng sama ng loob. Hays.
Nilapag ko yung towel at libro niya sa may table habang siya nakatingin sa malayo at para bang may iniisip na naman. Napakaseryuso talaga niya, aalis na lang siya lahat lahat ni minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...