Yun na nga, sinagot ko na si White wala akong choice eh. Ayuko naman na malayo ulit siya sa akin at iwan ako. And tama kayo siya lang naman ang kauna-unahang boyfriend ko at gusto ko siya na din ang maging last dahil ayuko ng magmahal pa ng iba kong hindi siya. Well to make story short na lang, halos araw-araw nagugulat na lang ako sa mga suprises niya sa akin. Tama nga siya na lahat gagawin niya para maging masaya lang ako. Alam na din ni Jasmin ang tungkol sa amin. Yun pa eh siya nga 'tong mas excited pa sa akin na magkaroon ng boyfriend kaya yun tuwang tuwa ang bruha ng sabihin ko sa kanya na sinagot ko na si White. Juice colored. Nagkapasa ako sa kanya dahil sa kakahampas niya sa braso ko. Ang saya diba ??
Ganito nga siguro kapag pumasok ka sa isang relationship. Nagbabasa na din ako kong paano magtagal ang relasyon ng dalawang tao na nagmamahalan. Ayuko naman na ma-out of nowhere diba ?? Sapat na yung may alam ako on how to handle a relationship.
"Babe, matagal ka pa ba ?? " tawag niya sa akin. Nasa may sofa kasi siya ng unit ko habang ako nasa loob ng condo ko.
"Wait lang babe, patapos na okay ?? " sagot ko naman habang inaayos ko yung suot ko. May dinner kasi kami ngayon sa loob ng mansyon. At tama kayo ng nabasa, Babe ang tawagan namin. Ang bago diba ?? Halatang pinag-isipan. Hehe. Well ano bang magagawa ko, eh siya 'tong nagpauso ng endearment sa aming dalawa. Nung masigurado ko na, na ayos na ang suot ko actually normal dress lang naman 'to. Bulaklakin lang ang design tapos naka doll shoes lang ako, mahirap mag heels baka magkaugat na ako. Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko mukha na agad niya ang nakita ko na mukhang naiinis dahil sa pag-aantay ng matagal.
"Oh bat ganyan ang mukha mo ?? " sabi ko tapos lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay. "Ang babe ko naman masyadong mainipin sige ka tatanda ka agad niyan. " tiningnan niya ako ng malalim
"Eh bat kasi kayong mga babae ang tagal tagal niyong mag-ayos samantalang kami 3 minutes tapos na. " halatang naiinis dahil sa boses niya kaya napapangiti na lang ako kasi naman para lang dun eh.
"Babe, of course magkaiba tayo ng situation. Okay ?? Wag kang mainit.. " tapos tumingin siya sa akin. "Ang gwapo gwapo naman ng Babe ko. " pambubula ko.
"Ginawa mo naman akong uto-uto.. Pakiss nga. " sabay kiss sa lips ko. Kakaluka hindi man lang niya hinintay yung sagot ko bago humalik sa akin. Bumaba na kami at agad na sumakay sa loob ng sasakyan niya. Excited na din ako na makita sila Nay Lily at Mam Cathy. At first kinakabahan pa rin ako na kahit alam na nila yung relationship namin ni White hindi pa rin talaga maiwasan na kabahan ako. Natatandaan ko pa nga noon na sinasabi nila na kailangan kong paibigan si White para makalimutan yung mga sakit na pinag-daanan niya. Tumigil yung sasakyan sa labas ng mansyon at agad na pinag-buksan yung gate ng isa sa mga guard ng mansyon kaya pumasok na sa loob yung sasakyan ni White.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Storie d'amore"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...