Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang masaya at nakakakilig kung kwento. Ang love story ng isang panget na nilalang na gaya ko.
I'm not a Cinderella nor Snow White pero wala namang masamang mangarap diba? Libre lang wala pang bayad.
I'm Lorie Ortega. Hindi kagandahan gaya ng nakikita ng karamihan sa mga magazine at television. Isa lang akong babaeng may pangarap sa buhay. Walang arte sa katawan dahil sa katipiran sa buhay. Kailangan ko kasing budgetin lahat ng pera na meron ako. Sapat na sa akin ang makakain ako ng tatlong beses sa isang araw minsan pa nga dalawang beses lang.
Tanging scholarship ko lang ang inaasahan ko na sa sipag at pagtatiyaga ko ay baka makatapos ako. Laking probinsya ako. Ang nanay at tatay ko magsasaka kaya hindi nila kayang magpaaral ng kolehiyo. Mabuti na lamang at isa ako sa mga nabigyan at napili na makatanggap ng scholarship. Sobrang saya ko dahil alam ko kapag nagpatuloy ako sa pag-aaral maraming opportunity ang pwede kung pasukang trabaho.
Sa unang araw, buwan at taon ko dito sa Maynila ay hindi naging madali ang buhay ko. Sa umaga estudyante ako at sa gabi naman kasambahay. Marami akong pinagdaanan na hindi maganda sa Maynila. Ang daming bullies, lagi nila akong binubully na maitim, nognog, kulot, tikbalang at kung ano ano pang mga kalait lait na salita. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Ito lang kasi ang tanging pinanghahawakan ko at wala ng iba.
At sa sipag at tiyaga ko, malapit na kung magtapos konting kembot na lang ay isa na akong ganap na nurse. Kailangan ko pang dumoble kayod dahil ang daming laboratories and experiment na gagawin. Pinoproblema ko pa kung saan ako kukuha ng panggastos kaya kahit anong raket na alam niyo sabihin niyo lang sa akin basta yung maayos naman at hindi ako mapapahamak.
It's Monday. Back to school na naman. Wala pa kung tulog dahil umaga na akong matapos sa research. Kailangan ko kasing i-maintain ang mga grado ko para hindi ako mawalan ng scholarship. Hindi ko na nga nagawa pang mag-ayos sa sarili ko. Well, sanay na ako. Ako kasi yung klase ng babae na polbo lang, okay na ako.Naaasar pa ako sa mukha ko. Paano ba naman padami na ng padami ang mga alaga ko. Nakakahiya. Ang laki laki pa ng ilan sa mga pimples ko, mas masakit pa ang pimples sa ilong. Hindi tuloy ako makatanggal ng dumi.
Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa laboratory. Ako yung tipo ng estudyante na mas kampante kapag nakayukong naglalakad. Ayuko kasing makita ang ilan sa mga reaction nila. Karamihan kasi nandidiri sa akin at karamihan iniiwasan ako. Daig ko pa nga ang may sakit sa ginagawa nila sa akin. Hindi man masakit by physical pero emotionally, sobrang sakit. Sanay na ako sa kanila.
Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko namalayan na nabangga ko na pala ang poste dahilan para makarinig ako ng mga malulutong na tawanan mula sa mga estudyanteng nasa hallway.
"Masakit ba?" Ang pang-aasar sa akin ng isang lalake. "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Dumadagdag ka pa sa dami ng tanga sa mundo."
Masakit. Masakit para sa akin ang mga salitang iyon pero para akong matigas na bakal dahil hindi ko maramdaman ang sobrang sakit. Nagkunwari akong hindi ko sila nakikita, hindi ko sila naririnig, na lahat okay lang.
"Lorie!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Halos mapatulala naman sa babaeng parating sa akin. Ang ganda niya talaga. Idol ko siya.
"Hi Jasmin!" Ang sabi ng ilang boys kay Jasmin pero hindi niya iyon pinansin.
Maganda si Jasmin. Sikat nga siya sa campus at talaga namang maraming humahanga.
"Jasmin ikaw pala." Ang saad ko ng may mga ngiti sa aking mga labi. Si Jasmin ang nag-iisang totoong tao at kaibigan sa eskwelahang ito. Hindi siya katulad ng iba na mataas ang tingin sa sarili. Napaka down to earth niyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...