3 Months after.
Tatlong buwan na ang lumipas. Ganon kabilis ang araw. Tatlong buwan na akong nag-aantay sa wala. Tama nga si Jasmin na hindi na babalik si White. Siguro nga bahagi na lang yun ng nakaraan ko. Sa tatlong buwan marami ng nangyare. Naging busy kami pareho ni Jasmin sa school. Naging usap-usapan din sa buong campus yung sa amin ni Prince. Kong bakit daw ganon yung nangyare. Yung iba galit sa akin dahil nga pinaasa ko daw si Prince.
Nung umpisa ang hirap iwasan si Prince pero sadyang makulit si Prince na kahit daw paulit ulit ko siyang saktan hindi siya magsasawang lumapit sa akin. Medyu nag-iba na din yung pakikitingo namin sa isat-isa, madalang na lang kami magkausap dahil abala siya ngayon sa pagrerecord ng bagong kanta. Nung una naawa ako kay Prince dahil hindi ako sanay na hindi kami lagi nagkikita. Ewan ko ba, kong bakit hindi ko maintindihan basta basta.
Sabay kaming naglakad ni Jasmin papunta sa next class namin. Buti nga ngayon pareho yung sched namin, nakakamiss din kasi si Jasmin. Lagi siyang nandyan para sa akin. Isang buwan na lang at magtatapos na kami pareho. Sana lang hindi siya magbago pagdating ng araw. Malayo pa lang kami kitang kita namin yung mga estudyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board.
"Anong meron ?? " pagtatanong ni Jasmin sa akin.
"Malay ko. Buti pa tingnan natin " pag-aya ko sa kanya. Naglakad kami papunta sa may bulletin para mabasa kong ano ba yung pinagkakaguluhan nila.
"Seryuso talaga?? " sabi nung isang babae na maiksi ang buhok na may headband.
"Oo naman. As far as I know isa yan sa mga pinakahihintay ng buong campus. " sabi nung kasama niya na mukhang nerd tapos umalis na sila kaya kami naman ang sumingit. Hindi ko pa man nababasa yung nakasulat, napansin ko agad yung reaksyon ni Jasmin.
"OH MY GOD " gulat niyang sabi kaya naman binasa ko, kong ano yung nakasulat sa board.
"THE MUCH AWAITED CAMPUS NIGHT " yan lang yung binasa ko. Tapos tumingin ako kay Jasmin dahil to be honest wala akong idea sa mga ganyan. "Anong ibig sabihin ng Campus Night ?? " pagtatanong ko. Hinila niya ako para maglakad na papunta sa room namin.
"Seriously hindi mo alam ang Campus night ?? " sabi pa niya.
"Hindi eh. " sabi ko habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngumiti siya ng bahagya.
"Ang ibig sabihin ng campus night, ito yung pinakamalaking event ng school, ginaganap to after four years. Kaya nga excited lahat eh. You know parang social gatherings lang ang tawag dito. Pero enjoy. " sabi pa niya na may halong excitement sa boses niya.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Storie d'amore"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...