Tama nga sila may mga taong aalis at iiwan ka. At may mga tao ding babalik at makikilala pa. Ganon nga siguro ang buhay hindi habang buhay magiging party siya ng buhay natin. Halos hindi pa rin ako makapaniwala na nagbalik na si White para nga akong nananaginip pa eh.
Nung gabi ng Campus Night si Jasmin ang nanalong Ms. Campus of the Night habang si Luke naman yung napiling Mr. Campus of the Night, sabi daw nila kong sino daw yung nakakuha ng title na yan ay maaaring magkatuluyan sa hinaharap. Sobrang pagod ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako ng matagal. Paggising ko kinaumagahan bigla na lang akong naalimpungatan dahil sa may naamoy ako na masarap kainin kaya dinilat ko yung mata ko at hinahanap yung amoy na yun. Bigla tuloy akong nagutom.
Bumaba ako ng bed ko saka ko sinuot yung tsenilas ko at naglakad papunta sa kitchen dahil dun ko naamoy yung masarap na pagkain. Tapos nagulat na lang ako ng makita ko si White. Nakatalikod siya tapos abala sa ginagawa niya.
Anong ginagawa niya dito ?? At paano siya nakapasok sa loob ng unit ko ??..
"Good Morning " sabi niya sa akin nung lumingon siya tapos nilapag niya yung niluto niyang bacon sa may mesa. Napansin ko din yung suot niyang apron na may happy face sa gitna.
"A-anong ginagawa mo dito ?? " pagtatanong ko. Tapos naglakad siya palapit sa akin at hinawakan niya ko sa kamay ko. Ang aliwalas ng mukha niya. Hindi ako sanay.
"Kumain na muna tayo okay. Ako nagluto nito. " nakangiting sabi niya tapos niyaya niya akong maupo sa upuan. Hindi na ko nagtanong pa dahil nilapagan niya ko ng pagkain sa pinggan ko. "Come on let's eat "
Kinuha ko yung kutsara at tinidor saka nag-umpisang kumain. In fairness masarap huh.
"So how is it ?? Masarap ba ?? " sabi pa niya tapos sinubo niya yung bacon. Ang cute niyang tingnan.
"Oo naman. So paano ka nga ba nakapasok dito ?? " pagbabalik ko ng tanong. Uminom siya ng water tapos binalik ang tingin sa akin.
"Hindi na importante yun. Oops, sorry huh kong walang coffee sa table natin. Hindi kasi ako mahilig magkape. If you want titimplahan kita. " pag-aalok niya sa akin. Iniiba yung usapan. Kainis ayaw niyang sabihin ang totoo.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...