Naglalakad ako pauwi ng condo ko. Malalim pa rin ang iniisip ko. Matagal na din ang lumipas mula ng huli ko siyang makita. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Nakatingin siya sa akin at hindi ako pwedeng magkamali.
"White ?? " Hindi makapaniwalang sabi ko at para bang wala akong pakialam sa mga dumadaan sa amin. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa harapan na pala niya ako. "Ikaw nga White. Nagbalik ka. " niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sobrang miss ko lang talaga siya at naramdaman ko na lang na may luhang namumuo sa mga mata ko. "Akala ko hindi mo na ako babalikan White " at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa mata ko.
"Lorie sumama ka na sa akin. " seryusong sabi niya. Inilayo ko yung mukha ko sa mukha niya saka bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Bakit White ?? Lalayo ka na naman?? Pero paano ako ?? Akala ko ba babalikan mo ko ?? " bumagsak na nga ang mga luha sa mata ko.
"Kailangan Lorie. Gusto kong sumama ka sa akin. Sa US dun na tayo titira. " sabi pa niya. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kong anong ibig sabihin niya.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...