Chapter 11 : Lean on my shoulder

4.2K 78 0
                                    

Tama nga sila Nay Lily na ako lang ang kayang umintindi sa kalagayan ni Sir White. Sabi kasi ni Mam Cathy na hindi umaabot sa isang linggo yung dating mga nurse ni Sir White. Kong hindi ko lang kailangan ng trabaho baka ngayon umalis na ako. Kahit paano nagiging malapit na ako sa pamilya ng mansyon. Hindi naman kasi sila matapobre.


After kong asikasuhin si Sir White. Lumabas ako ng mansyon, gusto ko lang kasi magpahangin sa labas. Effected din yung binigay sa akin ni Mona na sabon. In fairness, pagaling na yung mga pimples ko. Naglakad lakad ako hindi ko nga alam kong saan ako pupunta basta kailangan ko lang magpalipas ng oras. Medyo maaga pa para matulog.

Malayo pa lang may naririnig akong boses mula sa di kalayuan. Boses ng isang lalake. Na nakakaakit sa sobrang ganda. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko. Sinusundan ko kong saan nagmumula ang boses na yun. Ewan ko ba, parang yung isip ko yung nag-uutos na hanapin ang boses na yun. Nakarating ako sa may park ng subdivision at agad kong hinanap ang nagmamay-ari ng boses na yun. Lumingon ako sa kanan mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isang lalake. Nakaupo siya sa may bench ng park, Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Rinig na rinig ko pa din ang napakagwapo niyang boses. Yung boses niya na sinasabayan ng paggitara niya.

Never mind I'll find
Someone like you
I wish nothing but the best for you too
Don't forget me I beg, I remember you said
Sometimes it lasts inlove but sometimes it hurts instead.

Nakakahanga ang boses niya. Ang galing galing niyang kumanta. Nakatayo lang ako habang nakatanaw sa kanya mula sa likuran niya. Bigla siyang tumigil sa pagtugtog ng gitara saka siya lumingon sa dereksyon ko. Habang ako hindi ko alam kong anong gagawin ko. Saka ko lang napagmasdan ang mukha niya.

"P-prince ?? " mahina kong sabi pero ramdam ko ang pangangatal ng boses ko.

"Hey stalker, what are you doing here ?? " tumayo siya saka niya nilapag yung gitara sa may bench at nag-umpisa siya maglakad papunta sa akin. "Ini-stalk mo pa rin ba ako ?? " seryuso niyang sabi.

"P-prince h-hindi napa-padaan na lang ako " nauutal kong sabi. Huminto siya sa harap ko. Ganon pa rin yung tingin niya sa akin na anytime pwede niya akong kainin. Nag smirk siya kaya mas lalo akong kinabahan. "Anong gagawin mo ?? " tumingin siya sa flat kong cleavage kaya naman agad kong kinober yung dalawang kamay ko. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya bigla niya akong hinawakan kaya naman "Prince wag!! Maawa ka sa akin " pumikit ako, ilang sandali na lang talaga iiyak na ako.

"Haha " isang malakas na tawa ang narinig ko kaya naman dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Prince na super duper ang lakas ng tawa "haha you're so funny. Would you think pag-iinteresan kita Haha " dagdag pa niya habang ako hindi ko alam kong anong gagawin ko. Awkward. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Hinila niya ako papunta sa may bench. Dalawang dangkal ang layo naman sa upuan. Hindi pa rin ako makagetover sa nangyare. Tumingin siya sa akin habang ako agad ko ding iniwas yung tingin sa kanya dahil naiilang ako.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon