Chapter 17 : What the Hell

3.8K 60 0
                                    

Habang papalapit ng papalit yung mga araw na hindi ko na siya makikita ang siya namang nalulungkot ako. Para kasing ang hirap lalo na at may nararamdaman na ako para sa kanya. Ni hindi ko nga alam kong magkikita pa ba kami sa hinaharap o sadyang bahagi na lang ng buhay ko na naging parte siya. Hays.

BUZZZZ BUZZZ

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pag ring ng buzzer. Agad kong tiningnan yung orasan, masyado pang gabi para gumising ako. Ano kayang meron ?? Bumangon ako saka ko tinali yung buhok ko at nag-umpisa na akong maglakad papunta sa kwarto niya. Nagulat ako ng makita ko siyang namimilipit at nakahawak sa tiyan niya.

"White ?? " alalang sabi ko saka dali dali akong lumapit sa kanya. "Bakit anong nangyare ?? " sabi ko pa. Tiningnan niya ako at nakita ko yung namumutla niyang mukha. May mga butil din ng pawis mula sa mukha niya.

"Ang sakit ng tiyan ko AHHHH " Halos sigaw niya. Ako naman hindi magkaugaga kong anong gagawin ko.

"Wait kukuha lang ako ng medicine kit " sabi ko saka agad na tumayo at tinungo kong saan nakalagay yung medicine kit. Actually, nasa loob ng kwarto lang ni White nakalagay ang medicine kaya kitang kita ko ang pamimilipit niya at pagdaing ng masakit. Kinuha ko yung likido na nasa bote. Hindi ko na binasa kong ano yun. Basta ang alam ko yun ang ginagamit kapag sunasakit ang tiyan. "Andito na ako. " sabi ko

"Ahh ang sakit !! " naiinis na niyang sabi. Pinaayos ko siya ng higa, sumunod naman siya sa sinabi ko. Buti naman. Inumpisahan ko ng lagyan yung tiyan niya saka ko inilahid sa tiyan niya.

Juice colored. Ramdam ko yung malulusog niyang katawan. Para nga akong nililiyaban ng apoy na halos mapapikit na ako sa ginagawa ko. Nakakailang kaya kahit na sabihin na nurse pa ako. Napansin ko yung bigla niyang pagtahimik kaya tiningnan ko siya at nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin.

Pinagmamasdan niya ako!!

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ano ba yan.

"Maya-maya wala na yan. " inayos ko yung sarili ko saka ko tinakpan yung bote. Nakakailang tumingin sa kanya. Bwesit !! "Sabi ko naman sayo na wag mong damihan yung pagkain. Yan tuloy hindi ka ata natunawan " alalang sabi ko, na para bang daig ko pa yung nanay kong mag-alala eh.

"I'm sorry kong hindi ako nakinig sayo. " sagot naman niya. Hays. Kailan ko kaya makikita yung mga ngiti niya.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon