Hindi ko alam pero parang ang bilis ng araw, parang kailan lang naninibago pa ko sa mga nangyare pero ngayon parang normal na lang ang lahat. Gigising ako tapos yong White na yon ang sisira ng araw ko. Akala ko nga nag bago na siya pero kunwari lang pala ang luka minsan hindi pa rin siya tumitigil sa pagsisigaw at kong ano ano pang nakakasakit ng loob. Kong hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho hindi ako mag lalakas ng loob na mag stay pa dito dahil sa bawat araw na dumadaan parang malapit na kong mamatay kasi naman eh ang sarap ang bipolar ni White minsan ang bait bait niya tapos bigla bigla na lang nagiging demonyo tsss magkaka phobia talaga ako sa kanya.
Pero wala akong karapatan na mag reklamo alam ko darating ang araw na lalambot din siya sa kin kahit na minsan nakakasawa na pero kailangan ko lang talaga na habaan ang pasensya ko.
Ang dami ko na namang sinasabi eh.
Dala dala ko yong pagkain ni White, ako na kasi ang nag hahatid ng pagkain niya ayuko ng maulit yong nangyare na lasing na lasing siya kaya kahit mag reklamo siya ng mag reklamo wala syang magagawa dahil ako ang masusunod ganda ko eh.
Huminto ako sa tapat ng kwarto niya at pilit na kumakalma dahil baka pag bukas ko na naman ng pinto baka kong ano na namang kalukuhan ang gawin niya. Huminga ako ng malalim saka ko dahan dahang binuksan pero nagulat ako ng bigla niya kong hagisan ng tubig at huli na para makaiwas ako kaya naman basang basa ako.
"Ano na naman ang ginawa mo White " sabi ko
"Its obvious naman diba " White
Iniwas niya ang tingin sa kin at feeling na parang walang kasama sa loob.
"Wag mo nga akong pipilosopohin, hindi mo ba alam na kakapalit ko lang " inis kong sabi
"Edi mag palit ka " sabi niya na parang walang pake.
Nilapag ko yong pagkain sa may table saka pinagpag ko yong damit ko na basang basa.
"Hays , ewan ko sayo White ang hirap mo talagang intindihin hindi ka ba nahihiya sa mga pinag gagawa mo ?? Para kang bata " sabi ko
Tiningnan niya ko na parang walang pake.
"Hoy Panget " makapanget wagas ah, asar "you have no rights to say that, at wala akong pake sa mga sinasabi mo. Pwede ba gawin mo na lang yong trabaho mo " White
Tingnan mo to, evil mode na naman siya, siya na talaga ang pinaka mahirap intindihin sa balat ng lupa, anak ng tokwa naman oh.
"Ewan ko sayo " sabi ko
Actually sanay na kong lagi kaming nag babangayan kasi sabi naman ng Tita ni White gawin ko lang kong ano ang dapat kaya ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama alangan naman hayaan ko lang ang sarili ko na sinisigaw sigawan ng gonggong na to.
Kong pwede nga lang tirisin siya ng pinong pino ginawa ko na. Hays kong hindi lang talaga siya gwapo.
Tiningnan niya yong pagkain sa may table. Hinahanda ko lang ang sarili ko dahil baka ihagis na naman niya sa kin ang pagkain. Hays, mag kakaphobia na talaga ako sa kanya.
"Sinabi ko ng wag na wag kang mag dadala ng pagkain dito, baka mamaya may kong ano ka pang nilagay dyan " White
"Wag kang mag alala malapit ko ng lagyan ng lason yang pagkain mo dahil punong puno na ko " sabi ko
Tiningnan niya ko na parang ewan. Sarap nyang sakalin.
"See, may plano ka talagang patayin ako " White
Tiningnan ko siya ng nakakaluka dahil nakakainis na talaga siya.
"Dapat nga mag thank you ka pa dahil diba gusto mo ng mamatay " sabi ko
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...