Nakaalis na si Prince, sana lang maging okay siya dun. Si White naman mag-iisang buwan ng nanliligaw sa akin. Syempre hindi ko pa siya sinasagot noh. At isat kalahating buwan na lang magtatapos na kami ni Jasmin ng pag-aaral sa kursong nursing. Nag-umpisa na din kaming mag-ojt. Na-aasign ako sa isang pamilya na may anak na hindi na nakakalakad. Si Trixie, limang taong gulang, gustong gusto niya na lagi ko siyang binabasahan ng story. Naaawa din ako sa bata dahil sa murang edad ang private room na agad ang kasama niya. Si White naman nag-uumpisa ng mag managed sa business nila. Siya na ngayon ang bagong manager ng isang sikat na hotel. Hindi niya tinanggap ang pagiging CEO dahil wala pa naman daw siyang alam sa business.
Ganon pa rin naman kaming dalawa kahit na medyo busy na kami meron pa rin namang sapat na oras siya na nilalaan para sa akin. Si Jasmin naman panay ang kulit sa akin na sagutin ko na daw si White dahil baka mawala pa daw. Process by process kasi ako. Ayuko naman magdali pero malapit na talaga. Gumising ako ng maaga dahil pang morning ang shift ko sa hospital. Nakakahiya naman sa parents ni Jasmin kong malilate ako baka bumagsak pa ako sa OJT. Palabas na ako ng unit ko sakto naman na paglabas ko ng unit kakalabas lang din ni White.
"Good Morning " nakangiting sabi niya.
"Good Morning too " sabi ko saka ko siya tiningnan ng malalim. Ibang iba na nga si White na kilala ko dati kasi yung White na kilala ko noon hindi marunong ngumiti.
"Oh bat ganyan ka makatingin ?? " sabi pa niya sanay kunot ng noo niya.
"Bakit masama na bang tingnan kita ?? Sabihin mo lang at hindi na talaga ako titingin sayo kahit kailan. " pang-iinis ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat para amuhin niya ako.
"Ito naman... Alam ko na libre na lang kita ng burger. Come on... " pag-iiba niya ng usapan tapos napangiti na lang ako dahil para siyang bata. Ang cute niyang tingnan. Hehe. At nag-umpisa na kaming maglakad. Actually sabay talaga kaming pumapasok, sinasabay niya ako para daw hindi na ako magtaxi. Natatawa nga ako minsan dahil mas nauuna pa siya sa akin kong umuwi.
After naming bumili ng burger sa isang fast food. Sumakay na kami ng sasakyan niya. Gaya ng nakagawian namin sa tuwing sumasabay ako sa kanya madalas ang kwentuhan at asaran namin sa isat-isa. Ang layo na nga ng narating naming dalawa.
"How's your work ?? " pag-iiba niya ng usapan.
"Okay naman. Naaawa lang ako dun sa pasyente ko kasi parang super close na ako dun sa bata. " sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...