Nagulat ako ng biglang tumunog ang buzzer. Takte ! Nasa kalagitnaan ako ng pag-eemote, panira ng moment yung buzz tsk tsk. Agad naman daw kuno ako tumayo dahil hindi ko alam kong bakit pinapapunta niya ako sa kwarto niya. Hays. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya nagulat ako dahil umiiyak siya.
"White ?? " sabi ko na may pag-aalala sa boses. Nakayuko siya habang nakaupo sa may bed at dahan dahan niyang iniangat ang mukha niya saka siya tumingin sa akin. Ewan ko ba pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakatayo lang ako at hindi ko alam kong anong gagawin ko.
Bakit siya umiiyak ??
Iniwas niya ang tingin sa akin kaya naglakad ako palapit sa kanya. Huminto ako malapit sa kanya siguro mga dalawang dangkal ang pagitan namin kaya nakikita ko ang pag patak ng luha sa mga mata niya.
"Bakit White ?? May problema ba ?? May masakit ba sayo ?? Bat ka umiiyak ?? " sunod sunod kong tanong. Ramdam ko yung bawat patak ng luha niya. Gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko alam kong paano ba dapat. Bigla niya akong hinila at kasabay nun nagulat ako dahil niyakap niya ako ng mahigpit. Parang tumigil ang mga sandaling yun. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin at tanging mga tibok ng puso namin ang naririnig ko.
"Lorie, bakit hindi ko pa rin matanggap yung katutuhanan. Bakit hanggang ngayon nabubuhay pa rin ako sa nakaraan. I want to be happy but I don't know how ?? You know what, I forgot everything because of her" mas lalo kong naramdaman yung paghigpit ng pagkakayakap niya at mas naawa ako dahil hanggang hindi pa rin niya nakakalimutan yung past niya. Pinakinggan ko lang siya na magsalita ng magsalita dahil yun lang naman ang kaya kong i-offer ngayon. "And now his back ! Para ano ?? To start competing again ?? Lorie please..... Please stay with me " halos basag niyang sabi dahil sa pag-iyak niya. Hindi ako makagalaw dahil gusto ko din yung ginagawa niya. Nakayakap lang siya sa akin hanggang sa tumahimik na lang siya dahil siguro nasabi na niya ang dapat sabihin.
Si Prince pala ang dahilan ng lahat. Sinisisi niya si Prince pero hindi ko pa alam ang ibang details sa past nila pero sa ngayon may alam na ako kahit paano. Mula sa mga sinabi niya na parang nakipagkumpetensya si Prince sa kanya feeling ni White mas magaling sa kanya si Prince. Ewan. Naguguluhan pa ako.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...