Chapter 16 : Days Left

4K 72 2
                                    

Anong ginagawa niya dito ?? Naglalakad siya palapit sa akin kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Oh my god

"P-prince, anong ginagawa mo dito ?? " pagtatanong ko.

"Pasensya ka na talagang inantay kita " seryusong sabi niya. Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka. At isa pa bat naman niya ako hihintayin sa labas ng mansyon at kong paano niya nalaman kong saan ako tumutuloy.

"Pero bakit ?? At saka paano mo nalaman na dito ako tumutuloy ?? " pagtatanong ko.

"Hindi na importante yun. Pwede ba tayong mag-usap Lorie ?? " seryusong tanong niya sa akin saka siya tumingin tingin sa buong paligid na para bang may tinataguan. Saka naman niya binalik ang tingin sa akin kaya tumango na lang ako bilang sagot. Niyaya niya akong maglakad lakad. Ewan masyado akong kinakabahan hindi rin ako sanay na sobrang tahimik niya. Sumasagot naman siya kapag tinatanong ko pero para talagang may mali eh. Naupo kami sa may bench. Sa may bench na malapit sa park na tanaw sa di kalayuan ang court.

"Ano pala yung sasabihin mo ?? " kalmadong sabi ko saka ako tumingin sa kanya habang siya nakatingin lang sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip. "Hoy ano ba yung sasabihin mo ?? Okay ka lang ?? " dagdag ko pa. Agad naman siyang natauhan.

"Huh ?? Yah... Yah. I'm okay " sabi pa niya.

"So ano ba yung sasabihin mo ?? " pagtatanong ko ulit. Tiningnan niya ko ng malalim saka iniwas niya yung tingin sa akin. Ang puso ko.

"Tungkol to dun sa dapat kong sabihin sayo the last time. " mas lalo pang sumeryuso ang mukha niya. Hindi ko alam kong bakit. "Lorie ang weird man pakinggan pero kahit anong tanggi ko" binalik niya yung tingin sa akin kaya nag tama ang mga tingin namin kasabay nun pakiramdam ko tumigil ang mga sandaling yun. "Kahit anong sabihin ko sa isip ko na wag kang isipin, ikaw at ikaw pa rin yung laman ng isip ko, I don't know why ?? " mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Ni hindi ko nga magawang magsalita o gumalaw man lang. "Until I one day namimiss kita kapag hindi kita nakikita. Lorie, I really really like you. " seryusong sabi niya. Iniwas ko yung tingin sa kanya at kumukuha ako ng lakas para magsalita.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon