Chapter 14 : Launching

4.1K 59 0
                                    

Naging mabilis ang pagrerecover ni Sir White halos araw araw nagsasanay siyang makalakad. Kahit na pagod at hirap ginagawa niya pa rin. Minsan nga lagi niyang sinasabi na kahit anong gawin niya hindi na siya makakalakad. Kami namang nasa paligid niya lagi naming pinapadama sa kanya na hindi siya nag-iisa. Pumayag na din siya na mag patingin sa mga doctor para sa mabilis na pagrekober niya. Sinabi ng doctor na matatagalan pa bago siya makalakad ng tuluyan. Pero mayroong mabilis na sulusyon ang doctor kailangan ni Sir White na pumunta sa States para dun magpagaling. Mas advance daw kasi ang mga procedures na gagawin sa paggaling ni Sir White compared dito sa Pilipinas.

Sa ngayon ang dalawang saklay ang umaalalay sa kanya para kahit paano makalakad siya. Halos sa araw araw na magkasama kami ni minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang. Napakaseryuso pa din kasi ng mukha niya. Napaka hopeless niyang tingnan. Hindi ko nga alam kong para kanino siya bumabangon. Kong bakit nagagawa niyang tulungan ang sarili niya.

Inalalayan ko siyang makaupo sa may bed niya. Halos maghapon din siyang nag-ikot ikot sa mansyon. Kong dati lagi niya akong kasama ngayon madalang na lang. Pipindutin niya lang yung buzzer para puntahan ko siya kong saan man siya naroroon. Inayos niya yung sarili niya na makahiga ako naman inayos ko yung paa niya. Ewan sanay na ako na lagi ko 'tong ginagawa. Pero aaminin ko naroroon pa rin ang ilang kapag nagtatama ang mga tingin namin.

"Sir White bakit hindi niyo na lang po sundin yung utos ng doctor na magpagamot sa states. Para mas mabilis ang pagrerekober niyo " sabi ko habang hawak hawak ko yung towel na ginamit niya kanina. Nagpakawala siya ng hininga saka tumingin sa dereksyon ko. Nakatayo kasi ako.

"Natatakot ako Lorie. Paano kong may matuklasan pa sila na pwede kong maging sakit. Kaya ko naman eh. Kaya ko naman tulungan ang sarili ko. " seryusong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Yung seryusong boses niya ang mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Ganon ba ?? Okay yun " pag-iiba ko na lang ng usapan dahil kong sasagutin ko pa siya baka kong ano na naman ang masabi niya sa akin na hindi maganda. "Anyway maiwan na kita " pagpapaalam ko saka ako tumalikod.

"Lorie .. " napahinto ako sa paglakad at rinig ko ang tibok ng puso ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanya. "Thank you " seryusong sabi niya pero ramdam ko sa boses niya yung hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag. Nginitian ko siya bilang sagot ko saka ako lumabas ng kwarto niya.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon