PRINCE POV
Nakaupo ako ngayon dito sa may park kong saan kami unang nagkita ni Lorie. Nakilala ko siya sa park kong gaano siya kabuti sa akin. Siya ang naging sandigan ko ng mga oras na kailangan ko ng makakausap. Tenixt ko siya na puntahan niya ako ngayon dahil bukas aalis na ako ng bansa at baka hindi na kami magkita ulit. Tanggap ko na sa sarili ko na walang kami. Tanggap ko na yun kahit sa umpisa pa lang alam kong mahihirapan at masasaktan ako ng sobra. Lumingon ako ng maramdaman ko na nasa likod ko na siya kaya ngumiti ako ng pilit saka ko binalik ang tingin ko sa malayo at inantay na umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang ako hanggang sa umupo siya sa tabi ko.
"Bakit Prince ?? Bakit mo ko pinapunta dito ?? " seryusong sabi niya.
"Wala lang Lorie. After all gusto ko lang sabihin sayo na thank you. Thank you for being one of my trusted friend. " seryuso kong sabi at ramdam ko ang pagsikip sa dibdib ko. "I'm sorry kong naabala pa kita. "
"Wala yun, ano ka ba. Diba sabi ko sayo kong kailangan mo ng kausap tawagan mo lang ako. " natahimik ako at tumingin ako sa kanya, kasabay nun niyakap ko siya ng bigla. Niyakap ko siya ng mahigpit na kinagulat naman niya.
"Mamimiss kita Lorie. " mahina kong sabi. Niyakap ko siya ng mahigpit para makakuha ako ng lakas ng loob tapos humiwalay na ako sa kanya. "Pasensya ka na. " nahihiya kong sabi saka iniwas ang tingin niya sa akin.
"Ano bang meron Prince ?? " pagtatanong niya. Tumingin ako sa malayo saka bumuntong hininga ako.
"Aalis na ako bukas Lorie. Kaya baka hindi na tayo magkita ulit. " malungkot kong sabi.
"Ganon ba ?? " ramdam ko sa boses niya yung lungkot na nararamdaman niya. Tumango tango naman ako habang nakatingin sa malayo.
"Oo Lorie. This is my choice. " ngumiti ako ng pilit. "Ang hirap Lorie but I need to accept the fact na kahit kailan hindi tayo magiging Tayo. I'm sorry kong nagiging madrama na naman ako. " nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
You're not My TYPE ( Complete )
Romance"Hindi ko alam kong bat kita nagustuhan basta ang alam ko masaya ako kapag kasama kita" Paano kong wala sa qualifications niya yung ideal man mo. Paano kong siya ang dahilan para maging masaya ka at lahat ng bagay gagawin mo para lang makita syang...