Chapter 12 : First Step

4.1K 72 3
                                    

"Sir White !!!! " halos mapasigaw ako ng makita ko siyang nakasandal sa may pinto malapit sa may CR.

Anong ginagawa niya. ??

Tumingin siya sa akin habang ako naman agad akong pumunta mula sa kinauupuan niya.

"Sir White ?? Okay lang ba kayo ?? " alalang sabi ko. Niyang kita ko na basang basa siya ng tubig.

"Yah I'm okay " seryusong sabi niya saka niya iniwas yung tingin niya sa akin habang ako hindi ko alam kong anong gagawin ko. "Medyu na out balance lang ako " dagdag pa niya na para bang walang nangyare sa kanya. Agad ko naman siyang inalalayan para makatayo.

"Next time mag patulong ka baka kong mapano ka sa susunod " alalang sabi ko. Naramdaman ko naman ang paglalim ng mga titig niya sa akin kaya agad kong iniwas yung tingin sa kanya.

"Bakit mo ba 'to ginagawa Lorie ?? Kong tutuusin nga sobra sobra na 'tong ginagawa mo. " sabi niya. Inalalayan ko siyang makaupo sa may wheelchair. Basang basa pa din yung mga suot niya.

"Ginagawa ko 'to dahil ...... Gusto ko. Gusto kong makatulong sayo kahit kunti lang " sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Bigla naman niyang hinawakan ang mga kamay ko. Ewan ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko ng hinawakan niya ako. Para bang automatic na bumilis ang heartbeat ng puso ko.

"Thank you " seryusong sabi niya. Ang lagkit ng mga tingin niya sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin sa kanya. Kasi naman eh. Nakakainlove yung tingin niya.

"Ang mabuti pa magbihis ka na muna, papatawag ko si Kuya Tupe " pag-iiba ko ng usapan. Si Kuya Tupe yung nag-iisang driver sa mansyon.

"No I can't. Kaya ko naman eh " sabi niya. Napakaseryuso niya talaga. Ni minsan hindi ko pa siyang nakitang nakangiti.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon