Chapter 23 : Prince Move

3.3K 49 2
                                    

BAKIT NGA BA HINDI TAYO GUSTO NG TAONG GUSTO NATIN ??

Siguro marahil ganon talaga ang buhay, masyadong mapagbiro. Yung bang hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay nakukuha natin. Ang unfair diba ??

Back to normal na ang lahat, buhay estudyante na ulit ako. Focus sa pag-aaral. Halos dun na lang umiikot ang mundo ko, kailangan kong mag focus dahil kunti na lang at malapit na kong grumaduate. Sadyang ang bilis ng mga araw kapag wala kang iniisip pero sa kabilang banda, nalulungkot ako. Nalulungkot dahil hindi na talaga siya bumalik. Wala na kasi akong balita tungkol sa kanya basta ang alam ko nasa procedure na siya ng kanyang therapy. Si Prince naman, hindi pa rin tumitigil sa panliligaw halos araw araw hindi siya sumusuko. Minsan maydalang bulaklak sa tuwing dinadaanan niya ko sa room namin. Usap-usapan din kami sa buong campus dahil ang swerte ko daw pagmakataon.

Hindi ko na lang pinapansin yung sinasabi nila tungkol sa amin. Si Prince ang sandalan ko kapag malungkot ako. Pinapatawa niya ako halos araw araw mag kasama kami. Para sa akin, kaibigan ko lang siya. Nagpapasalamat din ako dahil naiintindihan niya yung sitwasyon ko. Kakatapos lang ng laboratory namin ni Jasmin. Kailangan na din namin na maghanap ng hospital para sa praktikum namin as part of the OJT. Malapit na din akong grumaduate.

"Lorie, dun na lang tayo sa pinagtatrabahuan ni Dad. I'm sure matutuwa yun. " sabi pa niya habang nakahawak siya sa dala dala niyang mga libro. Oo nga pala, isang doctor ang dad ni Jasmin.

"Are you sure ?? Diba sikat na hospital yun ?? At isa paano naman ako makakapasok dun ?? Mga anak ng mayaman yung mga nagtatrabaho sa hospital na yun. " pag-aalangan ko. Tiningnan niya ako habang nakangiti siya.

"Asus, of course hindi kita pababayaan noh, akong bahala sayo. Hehe. At isa pa magaling ka naman. Kaya walang reason para hindi ka dun makapag OJT para naman sa ganun may kasama ako. " nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako.

"Thank you huh " sabi ko pa.

"What are friends for ?? " sabay kaming nagtawanan. Kahit paano hindi na ko mahihirapan na maghanap ng hospital. May sapat naman akong pera para pambayad sa hospital if ever na kailangan.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon