Chapter 39

5.8K 126 2
                                        

Jenny


Lumabas ako sa kwarto ko para hanapin si Ethan kaso napatigil ako sa may elevator dahil may dalawang babae na nag-aaway sa tapat nito. Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin sila tumitigil. Papasok na sana ako kaso pinigilan ako ng isa sa kanila.


"Look what we have here" rinig kong sabi ni Kristina.


"Hello there, Kristina" ngiti ko sa kanya na sa tingin ko na parang natatae


"You know her?" sabi ng babaeng kaaway niya kanina


"Of course" sagot naman ni Kristina na para bang it's no big deal. Pinigilan ng babaeng kaaway niya na sampalin si Kristina dahil sa tono ng kanyang boses.


"Do you remember me?" tanong ng babae sa akin para bang she is not so pleased to meet me here.


"Hindi" Nag-sasabi ako ng totoo, medyo familiar ang kanyang mukha kaso hindi ko alam kung sino siya at saan ko siya nakita.

"I'm Lynn" Lynn??


"Lynn?"

"You remember now?"


"Hindi parin" sabi ko sa kanya making Kristina chuckle kaya Lynn sent a glare at her


"Lynn Velasquez" sabi niya. Familiar ang pangalan niya parang narinig ko na yun noon kaso...saan ko ba yun narinig?


"We met at the beach" she rolled her eyes



"Ah! Naalala ko na. I'm very sorry na hindi kita nakilala kaagad, hindi kasi kita namukhaan." may sasabihin sana si Lynn sa akin kaso kinuha niya ang phone niya at umalis


"Rude as usual" irap ni Kristina at umalis.


"Wow." yan lang ang nasabi ko at pumunta kung saan kami magkikita ni Darlene. Ewan ko ba sa babaeng yun na pwede naman na puntahan niya ako sa room ko. 


"Ang tagal mo!" reklamo ni Darlene sa akin tsaka uminom sa lemonade niya


"Pasensya na, nagkita kasi kami ni Kristina sa tapat ng elevator" sabi ko sa kanya at umupo sa tabi ni Oz na tahimik na nagbabasa sa kanyang laptop kaya napatingin ako dito kaso agad niya itong sinira at ngumiti sa akin


"Ano ba yun?" tanong ni Darlene sa kanya na may kakaiba na mukha sa kanyang mukha



"Wala" sagot naman ni Oz na may tinitignan, sinundan ko ang kanyang tingin at nakita si Ethan na kumakain din kasama ang kanyang mga kaibigan.



"Di ba dapat nandun ka?" turo ni Oz sa kanila gamit ang kanyang nguso

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon