Chapter 32

6K 126 0
                                        

Jenny


"Excuse me, Miss. Nahulog mo yata ang panyo mo."  sabi ng isang lalaki sa likuran ko na ikinagulat ko kaya napatalon ako.



"JUSKO KUYA KUNG GUSTO MONG MAG-SALITA WAG NAMAN BIGLA-BIGLA!" sigaw ko sa lalaki na...


"Jenny?" sabi niya sa akin, pamilyar ang kanyang mukha ang naalala ko lang


"ice cream?" 


"Ice cream?" Tawa siya ng tawa hanggang hindi na siya makahinga habang tinitignan ko naman siya na nag-iisip kung ano ang pangalan niya


"Ah! Beryl!! Hala! Sorry kung nakalimutan ko pangalan mo, ikaw kasi ginulat mo ako kaya hindi ako nakapag-isip ng maayos." 



"It's okay, buti nga nakita kita ulit. Akala ko hindi na tayo magkikita" ngiti niya at binigay sa akin ang nahulog kung panyo na tinanggap ko naman.


"Dito ka ba nag-aaral?" tanong ko sa kanya at nagsimula kaming naglakad, hindi pa naman siguro ako late sa susunod kung class diba? 


"Ngayon nga lang ako nakapag-enroll eh" ngiti niya. Ang pogi talaga ni Beryl pero ewan ko ba may iba akong nararamdaman sa kanya yung parang nakita ko na siya noon kaso di ko malaman kung saan. Bahala na nga yun baka imahinasyon ko nalang yun, ang dami ko na kasing napapaganipan na mukha sa panaginip ko. Unting-unting bumabalik yata ang memorya ko sa nakaraan naks. Buti nga hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko, hindi katulad noon na tuwing nakakaalala ako nahihimatay ako or kung ano ano pa. 


"Hello Jenny?" He waved in front of me. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at ngumiti din


"Beryl, pwede lang bang magtanong sa iyo?" tanong ko sa kanya


"Of course" 


"Bakit mo ako kinausap nung sa park tsaka okay lang din naman na hindi mo ako binilhan ng ice cream noon at umalis kaso binilhan mo talaga ako kahit nagbibiro lang ako? Bakit mo ba yun ginawa?" tanong ko sa kanya


"Hmm...dahil gusto kong may makilala at magiing kaibigan ako sa bagong lugar na tinitirhan ko? at tsaka mukha ka namang hindi nagbibiro nung sinabi mong magpapabili ka ng bagong ice cream" ngiti niya sa akin, bakit ang hilig nitong ngumiti?


"Ganun ba?" 


"Yup" He agreed


"Kailan ka magsisimulang papasok tsaka anong course mo?" I asked him


"Next week yata kaya magkikita na tayo palagi, Architecture ang course ko. Sa iyo?" tanong niya


"Engineering" sagot ko naman na ikinangiti niya. Ang hilig ngumiti nito, hindi ba sumasakit bibig niya? kung sabagay mas mabuti naman ang ngumiti kaysa hindi ngumingiti.  

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon