A/N:
the next chapter will be the last chapter and then followed by the epilogue! :)
Third Person's P.O.V.
"Ano ang ibig mong sabihin, noona?" tanong ni Lliam na tumatakbo kung saan si January
"Nakikita ko ang singsing ni Philip pero wala akong nakikitang pride niya na tinapon tsaka ang daming dugo." Mahinang sabi ni January habang hinahanap ang pride ni Philip kaso wala naman siyang makita kaya sinundan niya ang dugo.
"There is a big chance that Philip is in a critical condition." Mahinang sabi ni Ethan na nagtatago sa isang puno tsaka nakatingin sa tent nila ni Beryl.
"Ano ang ibig sabihin mo, hyung?" tanong ni Dem sa kanya.
"I found their base. We have to be quick to save Philip." Natigilan silang lahat sa pagtatakbo.
"Paano—"
"Cutting the odds? Hurry." Utos ni Ethan sa kanila
--
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Gerald sa kanyang mga kagropo. Walang umimik sa kanila.
"Just leave them alone, they will die anyway." Ngiti ni Nude habang inaayos ang kanyang mga sugat. Labag sa kalooban ni Gerald na hindi tulungan sila lalo na si Philip na mukhang mamatay na talaga kaya nung nag-usap sila ni Beryl at si Nude.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Beryl na nakatingin kay Gerald na kinakarga ang katawan ni Philip.
"Ililipat ko lang sa likod." Dali-dali niyang linagay ang katawan ni Philip sa likod at ginamot ito.
"Putangina, mamatay ka siguro Philip kung hindi ka dadalhin sa ospital. Wala ka na sigurong dugo. Leche" reklamo ni Gerald habang pinipigilan ang mga dugo ni Philip nung matapos na siya ay bumalik siya sa tent nila at kinarga naman si Jenny.
"Ano naman ang ginagawa mo?" tanong ulit ni Beryl kaya kinabahan si Gerald at nag-isip kung anong palusot naman ang pwede niyang sabihin sa kanya.
"Baka kasi ni Ethan, para safe nalang." Pagsinungaling ni Gerald sa kanya, Beryl shrugged at bumalik sa pakikipag-usap kay Nude. Linagay ni Gerald ang katawan ni Jenny sa tabi ni Philip at itinali silang dalawa.
"Sorry, di ko naman talaga gusto itong gawin eh." Napabugtong hininga si Gerald at bumalik sa loob ng tent.
"Humanda ka Gerald, paparating na sila tsaka nandito na si Ethan." Beryl smirked at lumabas, sumunod na lumabas si Nude.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Nude sa kanya
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]