Jenny's P.O.V
Wow, ang daming nangyari ngayong araw na ito. Una nalaman ko na walang kasalan na magaganap pero pipirma ako sa marriage certificate na parang yun lang din ang naganap. Pwede na pala yun?
"ARAY!" Sinamaan ko ng tingin si Bulag bigla kasing huminto.
"Tch." Nakita ko na may lalaki sa harap ng sasakyan kaya agad akong lumabas
"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya
"Ginago mo ba ako inday?! Malapit na nga akong namatay tatanungin mo pa ako?" teka may naalala ako sa lasing na ito.
Si Bulag!!! Magsasalita sana ako ulit kaso he dragged me back to the car at iniwan ang galit na lasing dun.
"You should just leave him alone" sabi niya sa akin habang nagdridrive kong saan man kami papunta.
"Bakit ba kasama kita ngayon?" bigla kong naalala, napatingin si bulag sa akin
"Ano?" Inis na tanong ko sa kanya, biglang may smirk na nabuo sa mukha niya
"Wanna bet?" Bigla niyang sabi sa akin
"Bet? Wala akong pera" alam niya na sa kanya ako kumukuha ng pera tas gusto pa niyang ng bet?
"It's not money" hindi pera? Don't tell.... Yinakap ko ang sarili ko at tinignan siya
"Wag mong sabi---"
"Whatever you are thinking but it's not that." inis niyang sabi sa akin tas medyo namumula siya
"But maybe something similar." Mahinang bulong niya habang making a u-turn
"Wag po bata pa po ako, nakalimutan mo ba na mas matanda ka ng one year tas igaganito mo lang ako? Anong klaseng lalaki ka? Wala ka bang awa sa mga babae baka nakalimutan mo Ethan na babae din nanay mo at di ----"
"Shut up and marry me" inis niyang sabi
"Pwe pwe palagi ka nalang shut up shut up kung tumahimik ka kaya rin?!" Kainis nito shut up and shut up tas sinabi ba marry me. Teka? Marry me?
"WHAAAAT?!" He suddenly stopped the car and face me na lalong pinatibok ng puso ko!!!
Juzmeyo!!!!
"We are going to get married anyway, let's get married."
"GINAGAGO MO BA AKO HA?! Una sa lahat ayaw ko pang magpakasal gusto ko pang mamuhay ng single and free. Pangalawa, di ko keri ang may bodyguard na palaging buntot sa akin and lastly di natin kita mahal at bakit mo ba naisipan magpakasal kaagad ha?!"
"One, we can get annulment after one or two years. Second, I'm not a dog so I won't follow you around and third, I really don't care about that and also just think of it as a title."
"Pero bakit nga ba? Hindi naman talaga dapat tayo magpapakasal at in the first place na pilitan lang ako na sumama sa iyo dahil wala na akong magagawa pa!!"
"Let's just do it."
"Nababaliw ka na ba? Marriage is..." tinignan niya ako ng maiigi
"Ano ba yung pustahan?" Tanong ko sa kanya habang hinahawak ang noo ko
"If I win the game, you will marry and if you won, you are free."
"Anong laro ba yan?" Jusme, baka magiing 2 years wife ako nito ni bulag
"Rock paper scissor" aw sus yun lang pala.
"JAK EN POY?!"
"Yup" He nodded his head

BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]