Chapter 19

7.5K 146 2
                                    


"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa umuupo na January at December, masyado pang maaga para istorbuhin ang beauty sleep ko.

"Where's Ethan?" tanong ni January while crossing her legs, tingnan mo hindi man lang ako sinagot.

"Ewan, hindi ko alam." paggising ko wala na siya (parang linya lang sa ewan ahahaha)

"Ahh." sagot naman ni December at tumingintingin sa palagi

"Walang pictures sa bahay niyo?" tanong ni December

"Ahhh wala, bakit?" tanong ko sa kanya, hindi pa ba sila aalis? Nakapajama pa nga ako at feel at home na masyado sila.

"Ohh nothing." He smiled at me, ang weirdo ng magkapatid na ito.

"Jenny!" biglang sigaw ni January with some weird twinkling in her eyes parang hindi ko yata gusto kung ano ang ibig sabihin nyan.

"Ano?"

"Swimming tayo?"

"Ayaw." pumunta ako sa kusina para mag-almusal nakita ko si Manang kaya pala nakapasok ang weirdong magkapatid. Lahat naman kaibigan ni Ethan ay weird pero in a good way din naman, si Ethan lang yata ang weirdo in a bad way.

"Kumusta ka na Manang?~" bati ni December kaya siguro bestfriend sila ni Lliam puro isip bata.

"Okay lang Dem buti nga nakabalik na kayo ni Jan." ngiti ni Manang, tumulong na ako sa pagseserve ng pagkain. Syempre yinaya ko kumain sila December at January kaso kakakain lang daw nila ng breakfast.

"And Jenny call us Dem and Jan" ngiti ni January I mean Jan sa kanya.

"ahhh, okay."

"Kaya sumama ka na sa amin magswimming!~" sigaw ni Dem

"Pag ayaw mo sumama...." nagkatinginan ang magkakapatid at nagkaroon ng silent communication kaya sumama nalang din ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay.

--

"Jenny! Bilisan mo ang paglalakad mo." reklamo ni Jan na nakasuot ng red two piece sige na siya na ang sexy ahahaha.

Hindi naman ako nakatwo piece, ayaw ko nun parang nakabra at panty ka lang. Bakit kaya ang nga tao nahihiya pagmay nakakita sa kanilang na nakabra at panty tapos hindi naman nahihiya pag nakatwo piece?

Naka v-neck t-shirt lang naman ako na may design na 'lazy is an ugly term, i prefer the term selective participation.' binigay ito ni Oz last christmas at shorts tapos slippers.

Si Dem? Ewan ko kung saan na yun.

"Jenny, mag-suot ka rin ng swimsuit!" Jan, kung may katawan akong katulad mo hindi talaga ako magdadalawang isip magswimsuit

"naku, wag na ahahaha." tawa ko ng may nakita akong isang magandang babae na nakatwo piece na pareha ng design ng two piece ni Jan kaso kulay blue nga lang na may mga sumusunod sa kanya na puro babae din with heavy makeup.

"Hi there January~" greet niya kay January with her highpitch voice.

"Oh, Didn't notice you there Lynn." bati din naman ni January na nakakunot ang noo. Her frown deepens ng makita niya katulad sila ng swimsuit ng babae.

"Sino to?" tumingin sa akin yung babae ulo hanggang paa.

"Jenny" ngiti ni Jan sa akin

"I thought you are already old enough not to have a babysitter." Anong yaya? Litse sino ba siya?

"I never thought that your job is a clown." Jan smiled at them.

"What did you say bitch?!"

"Ay hindi ka nakakaintindi ng English? Sge, Hindi ko inaakala na trabaho mo pala ay isang clown." Ngiti naman ulit ni Jan sa kanya. wow go! January!!

"Akala ko ba fashionista ka eh bakit sumusunod ka ---"

"I never said that I am a fashionista but if you think that I am. Well, thank you." Tumalikod si January at naglakad pa layo kaya agad naman akong sumunod sa kanya baka masabunotan pa ako nila, jusko ayaw ko nun ahahaha.

Narinig ko ang defeated scream niya sa likod. Biglang humarap si Jan sa kanya ulit at nagsalita ng

"And by the way, Jenny is the name of my friend here, ASAWA ni ETHAN."

What the hell?

Jan grabbed ny wrist at naglakad ng mabilis ng inutusan ng babae na sabunotan kami. Buti nalang nakatago kami sa likod ng isang bar.

"Oh god! Where are they?!" reklamo ng mga alipin ng babae

"Nakakainis sila! Kala mo kung sino" sabi naman ng isa pang alipin niya

"Akala mo kung sinong maganda!" Maganda naman kami diba? Ay wait si Jan lang pala ahahaha

"Pero maganda naman talaga sila" mahinang sabi ng isa sa kanila making Jan to chuckle

"WHO'S THERE?" Patay.

Kumatok si Jan sa backdoor ng bar at binuksan ito ni Dem.

"Bakit ka nandyan?!" tanong ko kay Dem kaso nakarinig na kami ng mga yapak kaya tinulak na ni Jan si Dem at pumasok kami and lock the door.

Ngumiti sa akin si Jan sa akin pero si Dem nakatingin lang sa amin na nagtataka

"What did you?" tanong ni Dem kay Jan

"Nothing special, I just made Lynn mad once again." Jan shrugged tas nagbukas ng isa pang pintuan na may nakalagay "for staffs only." Magrereklamo sana ako

"kay Jonas ito." Nakalimutan ko na mga rich kids din pala ang mga kaibigan ni Bulag. Pumasok na kami imbes na mga locker sa mga staffs ang makikita ko or etc, isang magandang living room ang nakita ko. Nakita ko si Lliam na nagvivideogames, si Jonas na nakikipagusap sa chicks niya sa cell, Andrea na naglalaptop at si bulol na nasa likod ni Andrea.

"Holla~" bati ni January sa kanila halos lumuwa ang mga mata ni Lliam at Jonas sa swimsuit ni Jan.

"Kung hindi maganda katawan mo, Jan. Ang panget mo siguro tignan" comment ni Jonas kaya nag-agree si Lliam

"Ingit lang kayo." Nagflip hair siya at kumuha ng t-shirt sa drawer.

"Bingi, why are you here?" tanong ni bulag sa akin kaso hindi ko na siya sinagot umupo nalang ako at tinignan ang linalaro ni Lliam.

"Stop ignoring me and answer my question."

"Sinama lang ako ni Jan" I answered dahil alam kong mangungulit ito ng bongga pag hindi mo ito sasagutin, pagbabantaan ka ng kung ano-ano.

"Ano ba yang linaro niyo?" tanong ko ni Lliam dahil puro talon lang ang naintindihan ko

"Assassin's Creed" sagot ni Dem habang kumakain ng nova na katabi ni Lliam.

"Ahh.."

"By the way Ethan, We met your ex." sabi ni Jan kay Ethan.

"Ex mo pala yun?" tanong ko kay Ethan

"Who?" he raised his brows as he crossed his legs

"Si Lynn? The girl whom you really hate."

"Alam ko yang mukha na yan, Jenny. Masanay ka na kay Ethan ahahaha." Tawa ni Jonas tapos bumalik sa paglalandi niya sa phone niya

"He loathed her." ngiti ni Lliam pero naglalaro parin

"He still loathe her." tawa naman ni Dem, mga baliw.

Lynn on the multimedia.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon