Anong oras na ba? Nakatulog ako sa sofa dahil sa boredom sana sumama nalang pala ako kay bingi pero….. Never mind, mas gusto ko pa kay boredom kaysa sumama kay bingi.
Tumingin ako sa bintana at medyo malakas yung hangin kaya I turn the T.V on
*o* Flatscreen T.V yehey~ ahahahah
“Mag-ingat po kayo dahil papalapit na si Bagyong Baygon sa P.A.R at maari pa pong tumaas ang signal no. XXX ---“
Pinatay ko kaagad ang T.V nung nalaman ko na may Bagyo pala na papalapit.
“Jenny, kumain ka na.” sabi ni Manang Lila sa akin kaya kumain na ako kasabay niya nag-usap lang kami ng usap habang kumakain kami ng bigla niyang napatanong
“Nasaan yung nobya mo? ” teka? Sino ba yung nobya ko sasabihin ko sana sa kanya na wala akong nobya ng naalala ko si bingi
“Bumili ng bagong cellphone” ngiti ko sa kanya
“Bakit? Tinapon niya ba yung cellphone niya ulit?” tanong ulit sa akin ni Manang Lila
“Tinapon?” Wow, yaman naman niya kung tinatapon lang niya yung cellphone niya =_=”
“Oo tuwing naiinis yang si Sir Ethan lalo na sa mga tumatawag sa kanya ay tinatapon niya yung phone dahil sa sobrang inis kadalasan yung tumatawag sa kanya mga business partners nila.” Sabi ni Manang Lila
“Ganoon po ba?” mahina kong tawa
“Alam mo Jenny, ibang-iba ka sa mga nakaraan na nobya ni Sir Ethan” ngiti sa akin ni Manang Lila
“Bakit po?” O? Ano namang problema sa’kin?
“Basta iba ka lang sa kanila” Huhugasan ko na sana yung pinagkainan ko kaso kinuha ni Manang Lila yung plato ko kaya wala akong magawa kaya umupo nalang sa living room.
Nang biglang kumidlat at nawalan ng kuryente
“Manang Lila?” tawag ko kay Manang Lila na nasa kusina, kinuha ko ang flashlight.
“O? Jenny, May mga kandila pa yata tayo sa drawer.” Sabi niya na parang walang paki kung walang kuryente
“Ang tagal naman umuwi ni Sir. Ethan” rinig kong mahina niyang bulong
“Sanay-sanay ka yata dito, Manang Lila.” Ngiti ko sa kanya habang kinukuha yung kandila sa kitchen drawers.
Binigay ko kay Manang Lila nung narinig ko ug sasakyan ni Ethan na nagpaparking sa garage at tumakbo sa pintuan para sabihan si bingi, bubuksan ko na sana yung pintuan ng buksan ng basang Bingi.
“Bakit ang tagal mong umuwi?!” reklamo ko sa kanya, pinaalala niya si Manang Lila!
“Shut up” lalakad sana siya ng malapit siyang natumba
“Wag mong sabihin sa akin na uminom ka?” tsk.tsk.
Tinulungan ko siyang makatayo ng maayos pero may napansin akong kakaiba.
“Mainit ka yata!” linagay ko yung kamay ko sa noo niya habang yung isa sa akin para ma-test kong totoo ba talaga
“I know, stupid” may sakit na nga marunong pang mang-asar
Tinulungan ko siyang makarating sa kanyang higaan agad siyang nakatulog at tinignan ko siya, ay nakalimutan kong palitan yung damit niya.
“Bingi, gising.”
![](https://img.wattpad.com/cover/9884620-288-k381003.jpg)
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]