Chapter 59

5.1K 110 7
                                    

Jenny

"Jenny, do you know who Ethan really is?" tanong bigla ni Beryl sa akin. Tinignan niya ako habang hawak-hawak ang pusa, napangiti sa ako sa kanya na itinaas ng kanyang kilay.


"Hindi naman ako nagmamadali" Tinignan ko ang singsing na nasa kamay ko


"Maghihintay ako kung kailan siya handa sabihin kung ano man ang tinatago niya" Narinig kung tumawa si Beryl sa tabi ko, humarap siya sa akin at binigyan ng isang ngiti.


"May mali ba sinabi ko?" tanong ko sa kanya, medyo may pagkaweird din itong si Beryl. Hindi kaya bakla ito at gusto rin si Ethan? Tanong ng tanong kasi kay Ethan baka may lihim na pagtingin. Hindi naman siguro papatol si Ethan sa isang bakla diba? Kahit pogi na bakla?


"Wala, Jenny. Ethan is a scary person, Jenny, I can guarantee you that someday you will regret meeting him." sabi niya sa akin bago siya umalis kasama ang pusa. Tumayo ako at pumunta sa klase ko habang nasa isip ko parin ang sinasabi ni Beryl. Ethan is a scary person? Naalala ko tuloy ang mga sugat niya sa katawan, ano ba ang ginagawa niya?


"Madrigal, tawag ka ng dean." sabi ng kaklase ko na kakarating lang sa klase, kasisimula pa nga lang ng klase pinatawag na naman ako. Nakita kong ngumiti ang professor namin at nagpatuloy ulit siya sa kanyang lecture.


Wala akong nakita na escort katulad nung dati kaya dumiretso nalang ako sa dean kaso bago ko buksan ang pinto, binuksan ng Secretary.


"Hi ulit, Jenny" sabi ni Uncle Terrence


"Hello po. Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko sa kanya at umupo sa upuan na nasa harap. Tumalikod siya at tinignan ang tanawin sa labas ng kanyang bintana. Napansin ko na mas marami na ang mga litrato kaysa noon.


"May napansin ka bang kakaiba sa paligid mo ngayon?" tanong ni Uncle sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at humarap siya sa akin na may ngiti sa kanyang mukha. Kapatid niya talaga si Papa Tim, akala ko nung una na hindi sila magkamukha pero kung titigan mo talaga siya ay makikita mo ang pagkahawig nila.


"Wala naman" sagot ko sa kanya, maliban kay Ethan pero palagi naman yung kakaiba kaya walang bago.


"Pero---" Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pinto, sa sobrang lakas ay napasigaw sa bigla ang secretary na bago ni Uncle.


"Where is Jenny?!" singhal ni Ethan, na naghihirap sa paghinga, namumula din siya at pawis na pawis. Galing ba ito sa fun run?


"Ethan?" Tinignan niya ako at yinakap ng sobrang lakas, yung mukha niya ay nasa leeg ko


"Thank God, you are safe." paulit-ulit niyang sabi sa kanya, humiwalay lang siya nung narinig niyang magsalita si Uncle Dean


"Mamaya na yan, may itatanong pa ako kay Jenny." tumingin ako kay Ethan na nasa likuran ko na nakasimangot


"That can wait." walang galang niyang sabi niya sa kanyang uncle at hinila niya ako palabas 


Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon