Jenny
"JENNY, BILISAN MO KAYA ANG PAGLALAKAD!!" text sa akin ni Oz. Mag-aaral lang naman kami, anong nakain nito at hyper masyado?
"Oo nandyan na!!" reply ko tas inaayos ang shoelaces ko.
"Lakad na ako, Bulag." tinignan ko si Ethan at nag-nod lang ito tas binalik ang kanyang mga mata sa T.V. Di ko alam kung ano ang problema namin ni Ethan, masyado na kaming awkward simula nung dumating kami sa bahay.
"Bye Manang!!" paalam ko kay Manang na nagdidilig ng mga tanim sa harap ng bahay. Agad akong tumakbo papunta sa bus stop, medyo malayo din yung bus stop pero keri na atleast naka-exercise.
"Late" ngiti ni Oz sa akin pagkadating ko sa bus stop. Agad kaming pumasok sa bus at pumunta sa likod.
"Bakit nga ba tayo magbubus?? Akala ko ba gagamitin natin yung birthday gift mo?" yung birthday gift niya ay isang sasakyan, na ibinigay ng tito niya sa kanya.
"Nasira eh." Nag-usap kami ng kung ano-ano kaso kadalasan tungkol sa school.
"Di pala sasama si Darlene." napatingin ako kay Oz
"Ha?"
"Di daw siya sasama." ulit ni Oz. Patay. Patay. Patay na ako kay Ethan, pagnalaman niya na kami lang dalawa ni Oz magagalit yun ng sobra. Think positive. Hindi ako bibitayin ni Ethan na buhay? Huhuhuhuhu
"Jenny, you okay? You look pale." tinapik ni Oz ang balikat ko. Pagkasabi ni Oz ng pangalan ko ay may iilan na sa malapit namin ay napatingin sa direksyon namin. Agad akong napayuko, ano ang gagawin ko? Mukhang napansin ni Oz ang kinikilos ko kaya humingi ako ng sorry at nagexplain sa kanya, tinanggap naman niya. Walang kasalanan si Oz but kasalanan ko kasi di kami makapag-aaral sa cafe na palagi naming pinupuntahan.
"Oz, sa tingin ko uuwi nalang ako."
"Why is it because of your husband? Jenny, simula nung nakaasawa ka na di mo na ako masyadong pinapansin." wala akong masabi kasi totoo naman. Baka magselos ulit yun tas--- kailan pa ako may paki?
"I know a place kaso medyo malayo nga sa inyo." pinasuot ni Oz ang cap niya sa akin.
"Para saan 'to?"
"Not to distract others." tas nagwink siya sa akin yung tipong trying hard kaya napatawa nalang ako.
"Why?"
"Wala, Oz."
Third Person's P.O.V.
Di maintindihan ni Ethan ang nararamdaman niya, bakit ba feeling niya may di tama? Siguro dahil ang mga stocks na ininvest ng nanay niya bumagsak ng konti?
![](https://img.wattpad.com/cover/9884620-288-k381003.jpg)
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]