Philip on the multimedia
Bryle
Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang nagdradrawing sa lupa ng mga symbols na nagrerepresenta ng mga kaaway namin at mga kagropo ko. Inaalyze ko kasi ano ang susunod na gagawin ni Kuya, binigyan ako ni Kuya Ethan ng isang task na ako lang ang makakagawa. Ang alamin ano ang susunod na pwedeng gawin ni Kuya. I know him since birth kaya alam ko ang ano ang kaya niyang gawin.
Let's summarize first what happened:
Nakidnap si Ate Jenny at ang nagdukot sa kanya ay si Kuya Beryl at yung mystery member at ngayon, she with them at their 2nd base. Ang daya naman nila may 2nd base sila kami isa lang base namin kaso yaan mo na mas magaling naman siguro kami magtago kaysa sa kanila?
Kasama ni Kuya Ethan si Sunny, na tinotorture niya right now. Naririnig ko kasi sa intercom ang mga sigaw ni Sunny.
Si January naman tinalo niya si Joe, ang sniper at ex niya rin. Ngayon ko lang nalaman eh, chinismis ni Dem kanina eh tas si Andrea ayun out na dahil kay mystery guy buti nalang napa-out niya si Kristina at si Adora bago siya na-out tas si Jonas na forced out kasi wala na sa kondisyon para magpatuloy ay napa-out niya si Oz, na nasa sa listahan ko na 'ayaw kong makalaban' (kasali sa listahan dun si Kuya Ethan at si Kuya kaso mukhang makakalaban ko yung kuya ko) with the help of Lliam at si Philip naman ewan? wala kaming balita sa kanya simula nung first battle niya, big chance na tinorture din siya?
So, mas madami kaming napa-out 4/8 ang natitira sa kanila ay si Kuya, Gerald, Sunny at mystery member ay 5/8 pala kasi obviously maaout si Sunny tas sa amin si Darlene at si Jonas.
Natigilan ako nung may narinig akong naglalakad papunta sa akin at nakita yung Kuya ko for the first time na may dalang babae. Siguro si Ate Jenny, sana okay lang siya. Pinigilan kong tawagin siya, malamang kay tagal ko na kayang hinanap yung Kuya ko. I only have one goal in mind is to make my brother surrender. Madami na siyang sinaktan at pinatay, I should stop this. Tatayo na sana ako kaso may biglang sumabog.
Third Person's P.O.V.
Natigilan si Ethan at tinignan kung saan ang pagsabog, kinuha ito bilang isang chance ni Sunny at nagtapon ng isang smoke bomb, kaso nahawakan ni Ethan si Sunny sa braso kaya hindi parin ito nakatakas.
"Stop trying" bulong ni Ethan sa kanya. Kanina pa kasi hindi nagsasalita si Sunny buti nalang nagsalita ito nung binantaan niya ito na babawiin niya ang kanilang stocks kung hindi siya magsasalita. Iba't-ibang impormasyon ang nakuha niya mula kay Sunny tulad ng tungkol sa kanilang bagong member, mga plano nila at kung nasaan si Jenny.
Mas gumaan ang pakiramdam ni Ethan kaso naalala niya ang kayang gawin ni Beryl sa kanya kaya mas natakot siya kung ano ang mangyayari ni Jenny.
Walang awa na sinuntok niya si Sunny sa mukha at kinuha ang pride nito.
"You will never save Jenny, Ethan." Mahinang tawa ni Sunny bago ito nawalan ng malay, Ethan cursed under his breath. Gagawa siya ng paraan para maligtas si Jenny, he won't fail for the second time. He is going protect her this time properly and without a fail.
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
