Chapter 69

2.6K 58 2
                                    

Third Person's P.O.V.


"Members, please go to your respective positions." sabi ng isang lalaki na isa sa mga nagsisilbing referee sa laro para sa final round.


"After 5 mins, the battle will immediately start." paalam nito ulit sa kanila


"5 mins countdown start!"


Parang gustong kumawala ang puso ni Philip sa kanyang dibdib, hindi dahil sa kaba ngunit sa takot na mawala ang kanyang ate. Pagkatapos ng aksidente, katulad ni Jenny nawalan din ng memorya si Philip at ang nag-aalaga sa kanya ay yung kumupkop sa kanya. Bumalik ang kanyang memorya nung nakita niya si Jenny na bumisita siya kay Darlene sa paaralan nila noong high school pa sila.


Nagimbestiga siya tungkol kay Jenny at nalaman niya tungkol sa arrange marriage nila kaya gumawa siya ng paraan makalapit kay Ethan at magiing close ito. Siya na rin ang gumagawa ng mga paraan na hindi magkatuluyan si Ethan at ang mga ex-fiancees niya (pero si Ethan talaga ang may ayaw, tinulungan lang ni Philip na mapabilis ang break-up) at para mapalitan sila Mama Fe at Papa Tim na hanapin si Jenny at ipakasal kay Ethan. Hindi niya kasi masabi sa mga kumupkop sa kanya na bumalik na kanyang alaala hanggang magigiing malinaw ang lahat sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.


"Philip, are you listening?" tanong ni Andrea sa personal earpiece niya, he hummed at bumalik si Andrea sa pagreremind sa kanila tungkol sa bagay-bagay. Simula nung nakidnap si Jenny, they've been training like crazy for 2 weeks especially Ethan. Ang akala nila lahat na mamatay na ito dahil sa sobrang kapapaguran kaso mukhang maayos naman ang pangangatawan nito, hindi nga ito nagpapakita sa mga members niya maliban nalang kung may group trainings o kaya may mga meetings tungkol sa battle. Ang nasa utak ni Ethan ay ang pagsagip ni Jenny. Ethan doesn't want to lose someone special to him again and so is Philip.


"Philip, stop." utos ni Andrea sa kanya kaya napahinto siya. May narinig siyang footsteps at agad siyang nagtago sa ibabaw ng puno.


"Target mo nandyan na, good luck." Inilabas ni Philip ang kanyang sandata at naghintay na lumabas ang kanyang makakalaban.


Sa kabilang dako naman,


"Ethan hyung!! Kontrolin mo ang sarili mo, please." pagmakaawa ni Dem kay Ethan. Sinusundan kasi nito si Sunny na tumatakbo kaso kahit gaano pa siya kabilis, naabutan parin siya ni Ethan. Napaface-palm nalang si Andrea at Dem sa kabilang linya dahil alam nilang hindi naman makikinig si Ethan sa sasabihin nila. Imbis na pumunta si Ethan sa kanyang pwesto, pinili niya na iwan ito at hanapin ang isa sa mga members nila. At si Sunny ang una niyang nahanap.


"ARE YOU FUCKING KIDDING ME?!" sigaw ni Gerald na nasa kabilang linya.


"Hindi pa nagsisimula ang battle!" sigaw din ni Sunny sa kanya. Lumingon siya sa likod at napansin na wala na si Ethan sa likod niya. Napamura si Sunny dahil sa kaba. Alam niya kung paano magalit si Ethan at gagawin niya ang lahat para--


"Stop." malamig na sabi ng isang boses na kanina pa niya tinatakbuhan. Hinarap ni Sunny ang may-ari ng boses at agad kinuha ang kanyang kutsilyo kaso sa isang iglap, kaharap na niya ang sahig at hawak ni Ethan ang dalawa niyang kamay.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon