Chapter 70

2.8K 62 6
                                    

J E N N Y


Bakit ang sakit ng ulo ko? Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko pero agad ko itong sinara nung nakita ko ang dalawang paa sa harap ko.


"Sigurado ka bang okay lang si Sunny?" tanong ng isang boses. Sunny? Yung ex-fiancee ni Ethan? Yung bigla-bigla nangdadala sa mall, siya ba ang Sunny na tinutukoy nila?


"Siguro, kita mo naman sa CCTV diba. Kanina pa ako nagsasalita dito, di sumasagot." Reklamo ng isa pang boses na medyo kilala ko kaso di ko alam kung saan ko na narinig ang boses na yun. Pwede bang gumising nalang ako tas harapin ang mga tao kumidnap sa akin? May pamysterious effect pa eh, di naman siguro ako mamatay kapag nakita ko mukha nila?


"Siguro nagulat lang kanina."


Dahan-dahan kung binuksan ang isang mata ko, syempre para di kunwari halata kaso nahulog ako sa kinahihigaan ko nung nakita ko ang mukha niya.


"Aray!" sigaw ko, tinulungan ako ni Oz na makabangon at pinaupo ng maayos sa sofa. Tinitigan ko siya ng maayos at naalala ko na kalaban na pala si Oz.


"Litse ka rin no?" nabigla si Oz sa sinabi ko pero tumawa din makalaunan. Anong problema nito? May saltik ba 'to? Ay, matagal na pala itong may konting problema sa utak nung magkaibigan pa—Hindi, galit ako sa kanya.


"Isuli mo ako kay Ethan." Huminto siya sa kakatawa at seryosong sinabihan ako ng isang hindi. Tumingin ako sa likod niya at nakita ang mga kalaban ni Ethan, syempre kalaban ko na rin. Malamang, kinibnap nila ako obviously kalaban ko na rin sila.


"Oh you're already up." ngiti ni Beryl? Ewan nalilito ako sa kanila ni Beryl at ni Bryle parehos kasi ng mukha. Hindi kaya kalaban din si Bryle? Oh my gosh, dapat kong sabihan si Ethan!


"Chill." Tas binalik ang kanyang mga mata sa computer, basta madaming monitors nandun ang iba't-ibang angle ng mga CCTV, tas kasama din niya ang isang lalaki na teka si GERALD BA YAN?!


"GERALD?!" Lumingon si Gerald. Siya nga!! Kaya pala binigyan niya ako ng grape juice!! Para mahilo ako at malasing!! Malapit ko na siyang kalbuhin kung hindi lang ako itinali ni Oz. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi agad ko siyang hineadbutt.


"Kakatayin kita talaga Oz kapag makawala na ako dito." Ngumiti siya ulit sa akin.


"Pagkatapos naming manalo sa battle."


"Sila Ethan ang mananalo." Seryoso sabi ko sa kanya.


"Hmmm...I don't think so." Sabay turo ni Gerald sa isa sa mga CCTV napinapakita si Andrea na duguan.


--

A N D R E A


Pagkatapos kong magbigay ng instructions agad akong nagtago kaso imbis na makatago ako at maghintay ay nahulog ako sa isang patibong na sinet-up nila. Ba't ba ang tanga ko talaga? Pati sa pag-ibig tanga narin. Bakit pa ba ako naghuhugot eh malapit na akong mahulog dito!! Hinigpitan ko ang hawak ko sa kahoy at tumingin sa ibaba na may mga patalim. Patay siguro ako nito. Ano na? Maghihintay lang ba ako dito o maghihintay na mababali ang sanga?

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon