Chapter 47

5.4K 188 3
                                    

Jenny 


'PLEASE ANSWER THE CALL, JENNY!! TAMA NA ANG PAGDADAYDREAM.--' Teka? Bakit naririnig ko ang tinig ni Oz? Nababaliw na ba ako? Ay teka, bakit ang init?


Hinay-hinay kong binuksan ang mga mata ko, napansin ko na may mahigpit na nakayakap sa akin at ang daming kumot. Bakit ko ba nakikita ang mukha ni Ethan?? 


"PLEASE ANSWER THE CALL, JENNY!! TAMA NA ANG PAGDADAYDREAM" Cellphone ko! Yun pala ang ringtone kapag si Oz ang tumatawag. Gagalaw na sana ako kaso biglang nagising si Ethan.


"You awake?" 


"Ha?" wala sa sarili kong sagot. Teka, ang lapit ng mukha niya!! Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mga pisngi ko, yung isang braso niya ginagamit ko bilang unan habang yung isa naman nakahug sa akin.


"It is still too early, let's go back to sleep." bulong niya and he nuzzled in my neck and tighten his embrace. 


"Teka muna, teka muna. Sasagutin ko muna yung cellphone ko" sabi ko sa kanya habang kumakawala sa yakap niya kaso mas hinigpitan niya ito at tumingin sa aking mga mata.


"Have mercy with your husband, who doesn't have enough sleep because of his wife." Namula ako sa sinabi niya kaso BAKA IMPORTANTE YUN.


"Ethan!! Gusto mong sapakin kita?" agad siyang kumawala at ibinagay ang cellphone ko


"Hello Oz?"  Napabangon ako sa higaan ko kaso pinahiga ako ulit ni Ethan


"Sabi ni Darlene, di ka daw nakasakay sa eroplano. Okay ka lang? Narinig ko na may bagyo daw dyan." 


"Okay lang ako." ngiti ko kaso bigla akong tinakpan ni Ethan ng kumot.


"Hoi!"


"May problema ba Jenny?"  Pag-aalala ni Oz sa akin, kaya sinipa ko si Ethan para di na manggulo


"Ya!" sigaw din ni Ethan nung nahulog na siya sa higaan.


"Okay lang ako, may ipis lang na lumipad." tawa ko tas nakita ko si Ethan na hinawakan ang paa ko para mahulog din ako kaso isinipa ko sa mukha niya yung isa kong paa.


"Ipis? May ipis sa hotel?"  Tinignan ko si Ethan na galit na galit


"Oo, ang laki-laki nga ng ipis. Tawag nalang ako mamaya, Oz. Papatayin ko muna ang ipis." 


"I'll be waiting for your call."  Ibinaba ko na ang cellphone ko


"ANONG PROBLEMA MO HA?!" singhal ko sa kanya habang si Ethan ay bumalik sa pwesto nya sa higaan.


"YOU DON'T NEED TO KICK ME, STUPID WOMAN!" reklamo niya at hinawakan ang ilong niya.


Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon