Jenny's P.O.V
Pagkagising ko hindi ko nakita si Bulag hanggang ngayong hapon. Hindi naman sa nag-aalala ako kaso di ko rin makita ang mga kaibigan niya eh.
"May problema ba?" tanong sa akin ni Darlene na masayang kumakain.
"Nakita mo ba si Ethan ngayong araw?" tanong ko sa kanya kaya medyo siya nabigla
"Hindi, bakit miss mo na siya noh?" tukso niya sa akin. Napatingin ako sa kanya ng seryoso tas tumawa
"Nahihibang ka ba? Hindi ko rin nakita si Oz ngayong araw eh" Sabi ko rin sa kanya, parang may narealize siya
"Si Oz nakita ko siya kanina, tatanungin ko sana siya saan siya pupunta kaso mukhang nagmamdali yung tao eh." May nakita akong kumakaway sa likuran at nakita ko na si Beryl na kumakaway. Agad ko siyang sininyasan na lumapit, sinundan ni Darlene kung saan ako nakatingin at nakita si Beryl na naglalakad papunta sa table namin.
"Sino ba yan?" tanong niya sa akin
"Si Beryl, yung pogi na nakilala ko sa park noong... basta." ngiti ko sa kanya, agad naming pinaupo si Ethan.
"Parang pamilyar yata mukha mo, nagkita na ba tayo noon?" tanong ni Darlene kay Beryl, ngumiti si Beryl kay Darlene
"Hindi, this is the first time."
"Talaga? Parang nakita na talaga kita noon eh." Pinabayaan ko na si Darlene na mag-isip habang nag-usap kami ni Beryl.
"Ngayon lang kita ulit nakita" sabi ko sa kanya
"Talaga?" Biglang may lumapit sa amin si Kristina
"Ibang lalaki na naman ang kasama mo? Iba ka rin noh? Umalis nga lang ng saglit si Ethan, may pampalit ka naman." tinignan niya si Beryl, na mukhang naguguluhan sa mga nangyayari.
"Umalis?" Natuon sa akin ang kanyang atensyon at may isang ngiti ang nabuo sa kanyang mga labi
"Hindi mo alam? Asawa ka ba niya talaga? Umalis si Ethan dahil sa kompanya nila."
"Asawa? May asawa ka na, Jenny?" tanong ni Beryl
"Lookie-Look here Kristina. Wala kaming paki kung saan papunta si Ethan dahil may tiwala naman si Jenny kay Ethan husband niya at Ethan nasa kompanya niya? Duh! Wala sa trabaho si Ethan husband baka nagplaplano lang yun ng kung anong pakulo para kay Jenny" Darlene smirked at Kristina kaya nawala ang mga ngiti ni Kristina
"Well, tingnan lang natin kung gumagawa ba si Ethan dahil alam ko na wala sa ugali ni Ethan ang pagplano ng mga ganun"
"Ethan? Sino ba 'tong Ethan?" tanong ni Beryl sa akin habang nakatingin sa akin
"Hindi mo sinabi sa kanya Jenny? Na may.asawa. ka na. Kaya baby boy, matagal ka nang pinaglalaruan ng Jenny na yan." ngiting tagumpay ni Kristina
"Umalis ka na nga Kristina bago pa kita, islamdunk sa sahig. Alis na tsupi!" pagtaboy ko sa kanya, ang ingay ingay.
"Islamdunk? What is the meaning of that?" tanong ni Kristina
"Ang paghalik sa sahig kaya layas!" Tinulak ni Darlene si Kristina palayo kaso binabaliwala niya ang kamay ni Darlene at sinampal ito palayo
"Don't assume Jenny because weeks after this you will be part of the ex-fiancees club." ngiti ni Kristina at umalis.
"Sino ba yun?" tanong sa akin ni Beryl
"Si Kristina."
"May asawa ka na pala, Jenny. Ang bata mo pa naman na magkaruon ng asawa. Sino nga yung asawa mo?" tanong sa akin ni Beryl habang tinitignan parin ang naglalakad palayo na si Kristina
"Si Ethan Choi, kilala mo ba yun?" Napatingin siya sa akin at biglang nawala ang mga ngiti sa kanyang mukha
"Kaya pala" bulong niya sa kanyang sarili at nagtinginan kaming dalawa ni Darlene
"Ano ang ibig sabihin mo?" tanong ni Darlene sa kanya
"Kaya pala mukhang galit nung nakita niya akong nakatitig sa iyo" ngiti sa akin ni Beryl
"Ha?"
"Gusto ko sanang lumapit sa iyo kaso tinitignan ako ng maagi ng asawa mo" tawa ni Beryl. Napatingin sa akin si Darlene tas sinimulan na niya ang pang-iinis sa akin. Pagkatapos naming mag-usap nila Darlene ay pumunta na ako sa adjacent building upang ipasa ang parte ng project ko.
"You are Jenny, right?" tanong ng isang babae.
"Yes. Sino po kayo?" tanong ko sa kanya
"I'm Sunny" Ngiti niya sa akin, aalis na sana ako
"Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya sa akin. Nagpapasama siya sa akin? Hindi ko nga siya kilala.
"I know it is very weird but gusto ko sanang magpasamang magshopping. Wala kasi akong kaklose dito dahil yung mga kaibigan ko hindi sumama sa trip kaya kung okay lang sa iyo?"
"Ipapasa ko muna itong project ko" sabi ko sa kanya tas tumalikod
"Do that mean Yes?! Hintayin kita sa labas!" sigaw niya kaya agad akong nagmadali sa pagpasa ng project ko.
--
"Jenny, pasensya na kung napilitan kang sumama sa akin. Wala ka namang gagawin diba?" Gusto ko rin sanang bumili ng mga souvenirs para kay Mama Fe at Papa Tim tsaka kay Manang Lila kasama si Darlene kaso nakabili na si Darlene kasama niyang bumili si Oz noong isang araw nung umalis kami sa hotel.
"Okay lang yun. May bibilhin din kasi ako" ngiti ko sa kanya, kaya napangiti din siya sa akin. Hindi naman siyang masamang tao dahil nakikita ko na rin siya sa campus ng ilang ulit kagaya ng nababangga ko siya habang papasok ako sa dean's office. Narinig ko rin kasi yung mga magulang niya ay isa sa mga tumulong sa paglago ng university. Hindi ikakaganda sa image ko kapag tinanggihan ko ang isa sa mga anak ng mga stockholders.
"I heard you are Ethan's wife right?" ngiti niya sa akin, Wag mong sabihin isa rin siya sa mga ---
"No No, I'm not interested anymore with Ethan. Masyado akong busy para sa mga ganoong bagay. Inuuna ko na nga palagi yung business namin" Anymore? edi may gusto nga siya kay Ethan noon.
"We are here" Lumabas kami sa sasakyan niya tas pumasok sa isang mamahaling boutique. Agad kong tinignan ang mga prices ng mga damit.
"Did that caught your eye?" Tinignan niya yung hinawakan kong damit
"Do you want me to buy it for you?" tanong niya sa akin, nangiinsulto ba ito?
"Nope, tinignan ko lang yung damit may damit din kasi akong ganyan" WALA AKONG DAMIT NA GANYAN
"Really?" ngiti niya sa akin. Ano ba ang gustong iparating nito?
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
