Jenny
"MWO?!! WHAT?!!" Napatayo si Darlene
"Are you joking with me?" Tanong niya sa akin
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"So ganun nalang? Parang boom!! Husband mo na siya?!! I can't accept this!!" Pinaupo ko siya dahil nakakahiya na pinagtitignan na naman kami.
"What a jerk, giving a lady this kind of proposal!" bulong niya sa kanyang sarili. Bigla niya akong tinignan at nag-isip
"Ano?" Taas ko ng kilay
"Ano ba ang makukuha mo sa kanya ha?" She told me
"Di ko alam" Malaki pa ang oras ko para mag-isip bakit ko ba proproblemahin pa yan. Pagkatapos nalang daw ng 1 year ang promise niya kapag di niya talaga tinupad yun ipapapatay ko talaga siya.
--
"I expect you all to pass your projects this Wednesday"
"And also I hope all of you can attend the trip." Umalis ang prof namin kaya agad ko ding inaayos ang mga gamit ko.
"Jenny, tinatawag ka ni Kristina" Agad tumayo ang lahat ng balahibo ko ng sinabi ng seatmate ko na tinatawag ako ni Kristina. Agad nakichismiss ang mga tao sa room kaya syempre cool lang ako sa labas pero sa loob jusgigo, gusto ko nang tumakbo.
"Ano ang gusto mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Tinignan ako ni Kristina from head to toe and may sinabi ka kaso siya lang ang nakakarinig.
"Ano sinabi mo?" tanong ko sa kanya kaso tumalikod lang siya tas naglakad palayo kasama ang ingay ng heels niya.
"Ano problema nun?" Kristina Dela Vega is known for her attitude, hindi dahil mabait siya but she is known for getting what she wants at makukuha niya yun kahit gagamit pa siya ng force. Wala ding gustong makipagaway sa kanya dahil tatay niya ay isa sa stockholders. =.=" Lahat na ba ng mayayaman may sakit sa utak? for example, si Ethan. May sakit sa pag-iisip dahil sa sobrag talino.
"Ano ang gusto ni Kristina sa iyo?" tanong sa akin ni Gerald, isang fanboy ni Kristina. Di ko nga alam bakit gustong-gusto ni Gerald ni Kristina ang sama nga ng ugali nun
"Wala..." sagot ko naman at umalis. Sumasakit ulo ko sa kakaisip kay Kristina, isipin ko nalang kung ano ang wish ko. Yung tipong madaling makuha kaso worth it na worth it talaga, yung tipong makakatulong sa akin. Pwede din naman na pera kaso masyado nang common tsaka madali na yung makuha kapag may trabaho ka na. There is something more than Money but yah kailangan talaga natin ng pera this days ahahahah.
Naglakad ako papunta sa susunod kong sched. nang nakita ko si Ethan may kausap na chicks? (hindi yung manok, yung tao na chicks)
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
