Third Person's P.O.V.
"...We did all we could, but it wasn't enough" pabalik-balik itong tumatakbo sa isipan ni Ethan.
Patay. Patay na ang tatay niya. Hindi ma proseso sa utak ni Ethan na ang tatay niya na kausap niya lang kahapon ay wala na.
Hindi niya na rin napansin na umalis na ang doktor at si Jenny ay umiiyak sa tabi niya.
Paano?
Bakit?
Nawala lahat ang mga inaral niya sa buong buhay niya. Paano niya ito sasabihan sa nanay at kapatid niya?
"Ethan?" tawag ng umiiyak na si Jenny, tinignan ni Jenny si Ethan at parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ito nagsasalita at di rin gumagalaw parang nawala ang oras nito sa mundo.
"I'm sorry?" pagpaumanhin ni Ethan kay Jenny, nakita ni Jenny na hindi umiiyak si Ethan kaya mas lalo siyang napaiyak. Nakita ni Jenny si Mama Fe na nakasakay sa isang wheelchair nung nakita niya ang umiiyak na Jenny. Alam na ni Fe na wala na ang asawa niya sa mundo.
Wala na ang kanyang mahal na asawa, wala na siyang iinisin tuwing umaga at gabi, wala na ang hahanap sa kanya tuwing nawawala siya kasama ang kanyang anak, wala na ang mangungulit sa kanya na timplahan siya ng kape, wala na siyang kasama sa paggising ng umaga, wala na siyang ama ng kanyang dalawang anak at wala na siyang kasama.
Tumulo ang mga luha ni Mama Fe, walang nagsalita sa kanila hanggang dumating ang mga kaibigan ni Ethan.
"Ethan!" sigaw ni Andrea nung nakita niya si Ethan, tinignan niya ang mga mata nito.
"Ethan, it is not your fault." sabi ni Andrea sa kanya habang umiiyak. Tahimik lang si Philip at si Jenny na tinatahan si Mama Fe. Tinignan ni Philip si Andrea na kinakausap ang di na nakikinig na Ethan.
"Noona?" tawag ni Philip sa kanya, tumingin si Jenny sa kanya at umiling si Philip. Hindi nakuha ni Jenny ang ibig sabihin ni Philip.
"Ethan?" tawag ni Andrea kay Ethan na umaalis.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jenny nung dumaan ito sa tapat nila. Hindi niya sinagot ang dalawa at umalis lang.
"Guys, I have to follow him." paalam ni Andrea sa kanila. Tinignan niya si Jenny na nakatitig sa kanya at umalis upang sundan si Ethan ngunit paglabas niya ay wala na siyang nakikitang Ethan.
"Please be safe." bulong ni Andrea sa kanyang sarili at pumasok muli.
--
Nag-aalala na sila ni Ethan dahil ilang araw na itong di umuuwi lalong lalo na si Jenny. Kahit ilang ulit na siyang sinabihan ni Manang Lila na babalik din ito sa araw ng libing ay di niya parin mapigilang mag-alala.
Ang pinakamahirap na ginawa ni Jenny nung wala si Ethan ay ang samahan si Mama Fe na sabihan si Nathan.
"Nathan?" tawag ni Mama Fe kay Nathan na nagbabasa ng libro, librong ibinigay ni Papa Tim.
"Baby, you know..." tinignan ni Nathan ang mukha ni Jenny bago ngumiti sa kanyang ina.
"What'th wrong?" tanong nito sa kanyang ina, kahit sa murang edad alam niya na may mali at merong nagpaiyak sa kanyang pinakamahal na ina.
"You see, Dad is not coming back." Tumahimik si Nathan at tinitignan si Mama Fe at si Jenny at umiyak. Umiiyak na yinakap ni Mama Fe si Nathan habang si Jenny ay lumabas upang tawagan si Ethan kung nasaan ito ngunit katulad parin ng dati 'Out of Reach' Tinext niya nalang ito tungkol bukas na ang libing ng kanyang tatay. Pinamamadali ni Mama Fe yung libing dahil alam niya magigiing malaking gulo ito.
Oo, masayang pamilya sila, may kaya at parang perpekto ang kanilang buhay at alam niya rin na ang asawa niya noon ay kinakatakutan, kinaiinggitan at kinamumuhian. Madami na ding nagawa si Tim na hindi kaayaaya noon, kung hindi lang niya nakilala si Fe ay siguro isa na ito sa mga taong nasa likod ng mga masasamang bagay.
Hindi alam ni Jenny na ang tunay na rason na ikinamatay ni Tim ay ang battle na parehong sinalihan ni Ethan at Tim. Ang tanging alam niya at ng nakakarami ay namatay si Tim dahil nagiing isang itong threat sa mga korrupt.
"Hindi pa ba bumabalik si Ethan, Jenny?" tanong ni Mama Fe kay Jenny. Lumipat sila sa lumang bahay nila kung saan tumira ang mag-asawa nung wala pa silang mga anak.
"Hindi pa po eh. Tinawagan ko na nga si Dem na sabihan ako kaagad." Mapait na ngumiti si Fe kay Jenny. Gusto niyang sabihin ang totoo kay Jenny kaso mas mabuti kung si Ethan ang magsasabi at tungkol din kay Philip. Napakawawang bata sabi ni Fe sa kanyang isip.
"Noona?" tawag ni Philip kay Jenny, nakasuot ito ng itim suit na saktong-sakto sa kanya. Binigyan ni Philip na isang ngiti si Fe kaya agad itong nagpaalam kay Jenny na aalis muna.
"Noona, I have something to say to you." Tinaasan ng kilay ni Jenny si Philip, masyado kasing seryoso ang mukha nito.
"Ano yun?" tanong ni Jenny. Lumamig ang buong katawan at bumilis ang tibok ng puso niya, ang iniisip niya ay si Ethan. Iba't-ibang bagay ang tumakbo ni Jenny tungkol kay Ethan. Agad naman napansin ni Philip ang mukha ni Jenny na kumunot dahil sa sobrang kaba.
"Nope, it is not about Ethan. It is about you." ngiti ni Philip sa kanya.
"About us"
"Ha? Anong tungkol sa atin?" nagtatakang tanong ni Jenny sa kanya.
"Jenny noona, your brother is not dead." Walang nagsalita sa kanilang dalawa, agad napaupo si Jenny sa sahig dahil sa sobrang pagkabigla. Agad tumulo ang kanyang mga luha.
"Do you want to see him?" tanong ni Philip kay Jenny, na nakangiti. Hinawakan ni Jenny ang kamay na inilahad ni Philip sa kanya.
"Sino siya?"
"Ha?"
"Sino siya?" tanong ni Jenny na may ibang iniiisip. Hindi makapagsalita si Philip sa kanya
"Ikaw ba ang tunay kong kapatid ko Philip?" Natameme si Philip sa sinabi ni Jenny, hindi siya makapagsalita at umiyak kasama niya. Agad siyang yinakap ni Jenny ng sobrang higpit, napaiyak si Philip ng parang batang sa yakap ni Jenny . Matagal niya ng gustong gawin ito, simula nung nakita niya si Jenny kasama si Ethan. Gusto niya ng sabihin ang totoo kaso hindi niya masabi dahil hindi niya ito makaya.
Yung pagkamatay ni Tim ang siyang nagbigay ng lakas sa kanya na sabihin ang totoo dahil paano pag namatay din siya? Ayaw na ayaw niyang iniisip na mamatay siya na hindi nakapagsasabi ng totoo sa kanyang ate.
"Hindi na kita iiwan, pasensya na talaga na nakalimutan kita. Anong klaseng ate ako? Pinabayaan ko ang kapatid ko na mag-isa. Pasensya ka na talaga" Paulit-ulit na sabi ni Jenny habang umiyak, basang-basa na balikat din ni Jenny sa sobrang pag-iyak ni Philip.
Tinginan ni Jenny ang umiiyak na mukha ni Philip at napatawa.
--
"Ibig sabihin nun adopted ka lang?" ngiti ni Jenny habang hawak-hawak ang kamay ni Philip. Umu-Oo si Philip sabay ngiti sa kanya. Iba't-ibang bagay ang kanilang pinag-usapan kaso kadalasan ay tungkol sa kanilang pagkabata, pinapaala sa kanyang ate.
"Paano kayo nagiing magkaibigan ni Ethan?" tanong ni Jenny sa kanya, dahil matagal na siyang nagtatanong sa kanyang sarili kung paano niya nakilala si Ethan.
"Hyung? You don't remember? We used to -----" Agad bumukas ang pinto at may malakas na pagbagsak, napalingon ang magkapatid at nakita ang duguang Ethan.
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
