Chapter 50

5.3K 121 7
                                        

Third Person's P.O.V.


"Jen, matulog ka na." sabi ni Darlene na nakahiga na sa higaan niya, tinignan ni Darlene ang orasan na nasa tapat ng higaan niya.


"10 na tas di ka pa matutulog?"


"Pag-11 na matutulog na ako, tatapusin ko muna ito. Mauna ka nang matulog" ngiti ni Jenny sa kaibigan niya dahil pagod na pagod si Darlene, agad itong nakatulog.


Hindi lang dahil sa finals, gusto mag-aral si Jenny pati na rin mawala sa isipan niya si Ethan. Mas mabuti nalang na puro formulas ang nasa isipan niya kaysa magproblema siya kay Ethan.


"Let's do this." ngiti ni Jenny bago niya ibalik ang ang kanyang tuon sa mga libro na nasa harapan niya.


--


"Jenny?" hinanap ni Darlene si Jenny sa loob ng kwarto niya kaso hindi niya ito nakita, bumaba siya at bumungad sa kanya ay mabangong hangin ng pagkain.


"Jenny?" tawag niya, pumunta si Darlene sa kusina at nakita si Jenny na nagluluto.


"Ba't ka nagluluto?"


"Hindi pwedeng makitira lang ako sa bahay mo na walang bayad, nakakahiya naman nila Tita." tinignan ni Darlene si Jenny at napansin na mas lalong lumaki ang mga eyebags nito.


"Anong oras ka natulog kagabi?" tanong ni Darlene at tinulungan si Jenny sa paghuhugas ng pingan.


"11" ngiti nito, alam ni Darlene na nagsisinungaling ang kaibigan niya kasi nung mga 1 am ay nagising siya at nag-aaral parin si Jenny


"Gumising?"


"Mga 4? Hindi kasi ako makatulog." Lies. Pag si Jenny humiga na,agad itong nakakatulog.


"May mga maids naman kami na pwedeng magluto para sa atin, prinoproblema mo pa talaga. Diba sabi ko sa iyo na pwede ka lang tumira dito kahit libre lang. Di namin kailangan na magluto o kaya maglinis ka pa tas wala naman si Mommy, nasa Columbia sila ngayon."


"Kahit na--"


"Last na to, Jenny. Dapat matulog ka ng maaga ngayon."


"Opo ma'am" Jenny saluted.


--


"Hyuunggg" sigaw ni Lliam kay Ethan nung nakita niya ito papasok sa room.


"Bakit ka absent kahapon?" tanong ni January kay Ethan.


"Wala kaming ginawa kahapon dahil sa iyo. We wasted our time in coming here." pagpatuloy pa ni Jan.


"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Philip kay Ethan kaya agad napatingin ang mga members sa kamay ni Ethan, na puno ng mga sugat.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon