Chapter 62

3.5K 87 1
                                    

Third Person's P.O.V 


Kaagad na napatakbo si Philip at si Jenny kay Ethan nung nakita nila itong nakahandusay sa harap ng pintuan


"Anong nangyari sa'yo?!" sigaw ni Jenny, hindi nakapagsalita si Philip habang karga-karga niya si Ethan papunta sa sofa ng bahay nila.


"Noona, please get the first aid kit!" utos ni Philip kay Jenny na agad na naman niyang sinunod. Si Philip ay tahimik na inaasikaso si Ethan habang si Jenny ay nakatingin sa kanilang dalawa.


"Isugod kaya natin siya sa ospital?" mahinang tanong ni Jenny nung nakita niya ang nakakunot na mukha ni Ethan.


"NO!" sigaw ni Philip, na ikinagulat ni Jenny kaya agad itong tumahimik. 


"Done." Bumangon si Philip at agad kinarga si Ethan sa kwarto niya. 


"We should get rid of the sofa's cover and clean the mess at the front door. Aunt Fe would surely faint if she saw the blood." sabi ni Philip habang linilinis ang kanyang duguan na kamay. Hindi niya narinig sumagot ang kanyang ate kaya tinignan niya ito.


"Magpaliwanag ka." Agad napalunok si Philip sa titig ni Jenny. Gustong sabihin ni Philip at totoo kaso dapat talaga na si Ethan ang magpaliwanag nito, mas magagalit si Jenny kung hindi si Ethan ang magpapaliwanag nito. 


"After we clean the mess."


"The mess can wait." Kinagat ni Philip ang kanyang labi at tinignan si Ethan. 


"Noona..."


"I'm waiting, speak." Nagkaroon ng malaking debate sa loob ng utak ni Philip kung sasabihin ba niya ang totoo o wag at magsinungaling.


"Hindi ka magsasalita?" 


"Noona,..."


"Alam ko, alam ko kaso nakakapagod na palagi niyo akong tinatakbuhan tuwing nagtatanong ako. Ano ba talaga kayo? May mga bagay ba ako na dapat hindi malaman? Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit duguan si Ethan?! Don't answer me with lies na nahulog siya sa hagdan o kaya naaksidente siya. May ginagawa ba kayo?!" Philip remained silent 


"Woah, woah, woah. Talk to me, Philip! Baka illegal yang ginagawa niyo o kaya pumapatay ng tao." tawa ni Jenny.


"Oh my gosh." Agad napatumba si Jenny ng napansin niya ang mukha ni Philip. 


"Nagsinungaling kayo sakin, ginawa niyo akong baliw sa harap niyo." 


"Noona--"


"SHUT UP! Ang dami niyo sigurong tawa no? Anong feeling na naloko niyo ako? Masaya? Siguro tuwang-tuwa kayo ni Ethan sa pagloloko niyo sa akin. Litse, feeling ko baliw na ako." tawa ni Jenny sa kanyang sarili.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon