Jenny
Iniwan kami ni Darlene sa table namin at pumunta sa kabilang table na kanina pa nakatingin sa kanya.
"Edi ibig sabihin, hotel din business nila Jonas?"
"Nope, bars ang business nila" Agad akong namula sa sinabi ni Oz. Kung bars, oh my.
"Legal bars, Jenny." he reminded me. Nakakahiya, akala ko yung may mga naghuhubad at nagsasayaw sa pole
"Probably" ano to? Binabasa mo utak ko?!
"Your face said it." nababasa nga!!
"Hindi ko nga nababasa!" really? Oz, naririnig mo ba ako? He face-palmed
"Tama na, Jenny." I smiled at him. Wait, kung magkaibigan si Jonas at Ethan ibig sabihin nun.
"Anak ng pusang tipaklong." Inunom ko yung baso sa tapat ko, one-shot para mawala ang iniisip ko.
"What?" ba't iba lasa ng tubig? Yaan mo na.
"Wala wala!!" kaya siguro matagal siya umuuwi dahil palagi niyang kasama si Jonas sa bar nila!!
"Jenny, seriously?"
"Tigilan mo na nga ang pagbabasa sa utak ko! Hindi ka naman si Lee Jong Suk si Oz ka. Yung wizard sa wizard of Oz." napatawa ng malakas si Oz. Sige tumawa ka pa. Kaya siguro wizard tawag ni Ethan sa kanya dahil nababasa niya utak natin.
"What? Wizard of Oz?" tas tumawa pa siya, ako na ang nahihiya sa ginagawa niya. Wala ba siyang hiya? Tawa pa ng tawa ang loko. Pinagtitignan na kami ng mga tao
"Teka? Sino si Lee Jong Suk?" hindi ko na narinig yung sinabi niya dahil mukhang mas magandang tignan at pakinggan ang plato na nasa harap ko kaysa sa tumatawang Oz.
"Ano ba trabaho ni Ethan?" tumigil sa kakatawa si Oz at nag-isip.
"Maybe Marketing Manager or Chief Financial Officer?" anong language yan? Ang alam ko lang mga laws at formulas.
"They have restaurants, malls, resorts. Marami silang business" kung maraming business, ibig sabihin masyado siyang busy? He smiled at me and crossed his arms
"Dahil nag-uusap naman tayo tungkol sa business. Pag-usapan natin ang business ng mga kaibigan ng asawa mo."
"Ha?"
"Hindi mo alam? Mayayaman lahat ng kaibigan niya?" That would also mean Andrea--
"Don't compare yourself to Andrea."
"Ano ibig sabihin mo?" he ignored my question and continued
"Her aunt is a chef and a restaurant owner. They have a lot of branches around the world."
"Yung magkapatid na si January at December, may shipping company. Si Philip, nag-iisang anak ng isang senador."
"Anak ng isang senador?" hindi ko inaakala si Philip na anak pala siya ng isang senador tas sinabi ko pa na ako ang magigiing ate niya.
"I heard that his father is going to run for the presidential seat." Juice-colored, then someday, Philip ay magigiing anak ng isang president. Nagsimula na siguro ang party dahil nag-iingay na ang mga tao kaso hindi parin naproprocess sa utak ko.
"Lliam is how should I say this..." Mas lumapit si Oz sa akin at bulong niya
"Ay ang tagapag-sunod ng kanilang business." tinignan ko siya tas tinaasan ng kilay,
"Yun lang? Di ba ganun naman talaga yun?" he moved his head sideways at bumulong sa akin ulit.
"He is part of the Mafia."
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomansaJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
