Chapter 66

3.7K 77 1
                                        

Jenny 

"Jen, tell me what you think about Tan." tanong ng isang babae sa batang bersyon ko


"I think he is very rude" Nagreklamo kaagad ang isang batang lalaki sa sinabi ko. Hindi ko matandaan kung sino pero alam ko na parang espesyal siya sa akin.


"But I think he is cute."  tawa ko sa kanila. Bata pa nga ako ang landi-landi ko, sino ba siya? Nakita ko siyang ngumiti at parang alam ko na kung sino ito pero di ko matandaan kung sino ang kamukha niya. 


Binukasan ko aking mga mata, hindi ako kaagad tumayo dahil na iniisip ko pa yung panaginip o kaya flashback na ipinaginipan ko. Halos lahat yata ng memorya ko, bumabalik na maliban sa batang lalaki. Parang alam ko na kung sino siya kaso di ko rin masabi kung sino talaga siya. Nakakabaliw ito, hayaan ko nalang yun babalik din naman yun eh. 


Napansin ko na wala na si Ethan, may narinig akong ingay sa ibaba kaya agad akong tumakbo pababa kaso imbis na makita ko si Ethan ay ang nakita ko si Manang Lila na naghuhugas ng pinggan.


"Sayang ija, kaalis lang ni Ethan." sabi ni Manang Lila sa akin habang naghuhugas ng pinggan. Napafacepalm ako sa ginawa ko nung naalala ko na malapit na akong mahulog sa hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali. May naramdaman akong sticky note sa noo, agad itong binasa dahil alam ko naman kung sino ang nagsulat nito. 


"Sorry if I didn't say see you later (I hate saying goodbyes to you, it just screams 'I won't be seeing you again') but I hope you remember the kiss as vivid as my face, stupid girl. ;)" Agad akong namula sa binasa ko, napansin ni Manang Lila ang aking mukha kaya nagtanong ito.


"Anong meron dyan, ija? Mukhang natutuwa ka sa sinulat ng asawa mo." 


"Wala, wala. Inaasar lang niya ako." sabi ko at agad inilagay ang sticky note sa bulsa ng pajama ko. Naligo ako kaagad dahil may pasok pa ako, binubura ang halik sa aking isipan kaso mukha malabo itong mangyari. 


--


"Hoi Jenny, kanina ka pa tulala dyan." tawag sa akin ni Darlene na umiinom ng smoothie, tinignan ko siya. 


"Ano ba ang iniisip mo? May nangyari ba sa inyo ni Ethan?" agad akong namula nung narinig ko ang pangalan ni Ethan kaya binigyan ako ni Darlene ng isang ngiti.


"Anong ginawa niyo ha?" 


"WALA!" Agad kong binalik ang aking atensyon sa libro ko pero kahit ilang ulit kung minemorize yung mga formulas, puro tawa ni Darlene ang naririnig ko o hindi kaya ang mga labi ni Ethan ang iniisip ko. Sinabunutan ko ang sarili ko para mabalik sa normal ang pag-iisip ko.


"Ethan, look what you did to my friend." tawa ni Darlene habang tinitignan niya ang mga kilos na ginagawa ko.


"Beryl, ano ang ginawa mo dito?" tanong ni Darlene, may tumabi sa akin at nakita ko si Beryl ito. Tinitigan ko siya, medyo may pagkahawig talaga sila ni Bryle. Tinaasan niya akong ng kilay nung napansin niya na kanina pa ako nakatitig sa kanya.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon