Jenny's P.O.V
"In case for pimples" kinuha niya ito, yan tapos yun pa. Buti nalang binigyan ako ni Ethan ng pera worth for 1 month kahit one week lang siya mawawala ahahahaha ;; pero sana hindi na siya bumalik
Binayaran ko ang lahat ng beauty products na binili ni Darlene para sa akin tapos kumain kami, ang sarap ng pagkain ;_; maraming salamat sa libre Darlene. Mas masarap talaga ang pagkain kapag libre.
"Jenny, paano kapag kayo talaga ni Ethan ang magkatuluyan." Just imagining it nakakasuka na.
"Aba ewan." Naggrocery kami para sa bahay nang nagtext si Ethan.
"Oi Nagtext si Ethan" sabi ni Darlene
"Sus walang kwenta naman yan." Kinuha ko yung phone ko kay Darlene at tinignan.
=______= picture lang ito ng Eiffel tower, kaasar pinamumukha talaga sa akin na hindi pa ako nakapunta sa Paris
"Pakamatay ka ." Text ko sa kanya, may binili muna si Darlene sa Starbucks hindi na ako bumali dun ang mahal kaya. =_=
"Is it the old hag." Minunulto na yata ako? Sino ba ang nagsasalita
"Ang aga pa yata para sa mga multo"
"Stupid old hag, down here." Tumingin ako sa ibaba at nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang bata na nakacross arm. Sino nga ito? Basta ang naalala ko kapatid ito ni Bingi
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at umupo para magkalevel kami
"tanding hewe of course, tsk." =_____= magkatulad nga sila ng kuya niya
"Nawawala ka noh?" Binigyan ko siya ng isang nakakaasar na ngiti
Agad siyang namula
"O--of couwthe not!!" Ang cute niya kahit nakakainis ahahahahah
"Sino ba kasama mo? si Mama Fe?" Tanong ko sa kanya at tumayo ako para hanapin kung sino man ang kasama niya
"My yaya..." mahina niyang sabi tapos hinawakan ang laylayan ng damit ko
"Bakit ka ba humiwalay sa kanya ha?!!"
Sumimangot siya sa akin
"Are you gonna help me or what?!!" Inis niyang sigaw sa akin
"What if kung ayaw ko ha?!!!"
"Tsk fine!!" Naglakad siya palayo pero tumingin siya sa akin
"WHY ARE YOU NOT FOLLOWING ME?!" Inis niyang sigaw sa akin
"Bakit naman aber?!!" Tinaasan ko siya ng kilay, kinagat niya ang labi para hindi siya umiyak. Sus
"You're unforgivable!!" Wow matalinong bata ahahahaha
Pinabayaan ko siya, akala ko aalis siya pero he just stayed kung saan man siya
"Oh?! Bakit nandyan ka pa?" Inis kong tanong sa kanya. Tumulo yung luha niya tapos namula ang mga cheeks niya pero kinakagat parin niya lips niya.
"I don't know the way back!!" Sigaw niya tapos umiyak na siya, agad ko naman siyang kinuha at kinarga
"Don't carry me old hag!!" Sigaw niya habang pinupunasan niya yung mga luha niya
"Sus tulungan na kita ahahahaha" tawa ko sa kanya habang pinupunasan ang luha niya
"Thtop laughing!!" Ahahaha Bulol pa pala siya ahahaha
"Say S" utos ko sa kanya
"Why thhould I do that?"
"Basta"
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]