Jenny
Pagkatapos NIYANG bumili ng damit ay agad akong bumalik sa hotel. Nakalimutan ko na ngang bumili ng mga pasalubong dahil nagmamadali daw siya. Oo, mabait si Sunny pero naiirita ako sa kanya. Hindi dapat ako magiing ganito, mabait naman si Sunny at wala siyang ginawang masama sa akin. Magsisira na sana ang pinto ng elevator kaso nakita ko si Oz.
"Hoi Oz!!" tawag ko sa kanya, parang nabigla yata siya
"Ang tagal mo yatang nakauwi?" ngiti niya sa akin tas pumasok sa elevator
"Saan ka ba galing?" tanong ko sa kanya
"Hindi, saan ka ba galing? Kababae mong tao ang tagal mong umuwi. Hindi ka ba pinapagalitan ng asawa mo?" iwas niya sa tanong ko parang hindi niya yata na magtanong pa ako sa kanya.
"Nagpasama lang kasi si Sunny sa akin. Sa sobrang tagal mamili, hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang oras. Sinabi ko naman ni Ethan na matagal ako uuwi ngayon kaya no problem!" explain ko sa kanya. Totoo yung sinabi ko, nagtext ako kay Ethan na matatagalan ako uuwi baka atakihin naman yun ng pagkagago niya ngunit di nagreply. Sineenzone lang ako ng bulag. Mas nauunang bumaba si Oz dahil may ibibigay pa daw siya sa Prof. nila, bukas ko nalang yun kukulitin kung saan siya nanggaling.
Hindi kaya....
MAY GIRLFRIEND na yun? Pero wala naman sa mukha nun ng pagkakaroon ng girlfriend. Masyadong busy sa school tas sa bahay nila yun kaya imposibleng magkaroon siya ng girlfriend tas sinabi naman niya na wala pa siyang girlfriend.
Lumabas ako sa elevator pagkarating nito sa floor ko tas naglakad papunta sa kwarto ko. Hindi ko parin matanggal sa isip si Oz.
"Hindi kaya may...boyfriend siya?" napahinto ako bigla. What if lalaki talaga gusto niya? Agad akong napahawak sa dingding ng hallway tas tinakpan ang mukha ko gamit ang aking kamay.
"There goes another Adonis." napatawa nalang ako sa sarili ko. Bakit ba ang mga gwapo nagigiing bakla? Sayang na sayang kapag nagiing bakla si Oz.
"What do you mean?" napalingon ako sa likod at nakita si Ethan na mukhang pagod? Saan ba to galing?
"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang kanyang ayos. May kakaiba sa kanya hmmm... tinignan ko siya ng maigi.
"Is there any problem?" Sa kwarto nalang kami mag-uusap. Pumasok na kami sa kwarto namin at napahiga ako kaagad sa higaan habang siya dahan-dahan na umupo sa gilid ng higaan. Anong meron nito? Ang bakla ng kinikilos nito ay wait... Ganito pala siya palagi so walang kakaiba sa kanya.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya at tumango naman tas humiga siya sa kama.
"Hindi ka na maliligo?"
"No, I'm already tired."
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
