Chapter 73

2.5K 58 3
                                        

Jenny

Ilang ulit na nila akong pina-amoy ng chloroform, langya.

 Hoi! Hindi ito katulad ng mga movies na tinakpan lang ng konti nahihimatay na kaagad, hindi naman ganyan talaga ang effect ng chloroform dapat kasi 3-5 mins. ba yun? Basta dapat matagal na ilalagay sa ilong, nakalbo ko na nga yata yung Beryl kaso masyado siyang malakas kaya ayun knockdown parin ako dahil sa lecheng chloroform na yun.


Paano ko nalaman yung chloroform? Matalino kaya ako. Tignan mo ano ang nagigiing epekto ng chloroform? Nagiing baliw na ako kinakausap ko na sarili ko, leche. Seryoso akong tao pero leche masyadong seryoso na yata ang nangyayari sa buhay ko. 


Teka, nasaan na ba ako? Mukhang nilipat na naman nila ako ng ibang tent. Di ko na kasi nakikita yung mga monitors ni Gerald eh tas wala din si Gerald.


Hindi ba babalik si Oz? Kahit kaaway kami ni Oz at galit ako sa kanya dahil nagawa niyang magsinungaling sa akin ay mas okay na ako sa kanya kaysa si Beryl ang kasama ko na kanina pa nagsasalita sa intercom niya.


"Beryl!" sigaw ni Gerald na pumasok sa tent na hingal na hingal. Tinaasan siya ng kilay ni Beryl at sinapak.


"Sinira mo ang plano natin" Binugbog siya ni Beryl habang si Gerald ay iniiwasan ang mga kamao nito.


"Hindi ko naman sinasadya na makatagpo si January eh!" Hindi pa out si January? Sana okay lang sila at walang nangyari sa kanila. Ineexplain ni Ethan ng mabuti ang mga pinasok nila at ang rule ng battle kaya medyo gets ko ano ang nangyayari sa labas.


"Pero dahil sa iyo rin, napasabog ng wala sa oras ang tent nila!" sigaw ni Beryl. Ang tent?! May namatay ba sa kanila?


"Ano ang tinitingin mo dyan, Jenny?" tanong ni Beryl sa akin with the same smile, nakakainis kasi alam kong may mali sa kanya noon pero kinaibigan ko parin siya.


Bakit ba ang inosente ng mukha niya? Yun na nga ang point Jenny eh! Sa sobrang inosente ng mukha niya di mo aakalain na maari pala siyang makapatay ng tao! Yun yun eh!


"Wala..." mahina kong bulong. Delikado na kung ano ang mangyari sa akin.


"May alam ka ba sa mga plano ni Ethan, Jenny?" tanong nito habang lumalapit sa akin


"Wala din." Matigas kong sabi sa kanya habang tinitignan siya sa mata. Ngumiti siya sa akin at yumuko tsaka hinaplos ang aking pisngi. Lahat ng balahibo ko tumaas yata dahil sa takot kung ano ang pwede niyang gawin sa akin.


"Wala naman siguro siyang alam, Beryl." Biglang sabi ni Gerald na nanginginig, tinaasan siya ng kilay ni Beryl.

"Bakit mo naman yan nasabi?"


"Last week pa yata niya ito nalaman?" Nag-indian sit si Gerald at ginamit ang kanyang laptop.


"Yeah, last week pa." komporma nito. Paano niya nalaman? Tinignan ako ni Beryl at mahinang sinampal ang aking pisngi ng paulit-ulit.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon