Chapter 46

5.6K 131 2
                                    

Jenny


Tinitignan ko ang tanawin na may mga ngiti sa aking labi, nakalugay ang buhok at hinayaan na dalhin ito ng hangin.  Papunta kami sa resort na sinasabi ni Ethan. Like usual, hindi kami nagsasalita. 


Huminto muna si Ethan para magpagas, tumingin ako sa gilid at nakita ang isang matandang lalaki na nagbabasa ng isang dyaryo at yung headline ay tungkol sa isang pamilya na sangkot sa isang car accident. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang hinay-hinay na ibinaba ng matanda ang kanyang binabasa na dyaryo at ngumiti sa akin. 


Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ko, hindi makahinga dahil sa takot. Pamilyar ang kanyang mukha ngunit di ko maalala kung saan ko siya nakita.


"Jenny" nawala ang lahat ng takot sa pagtawag ni Ethan sa akin, ramdam ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, mukhang nagulat din siya kaya tinignan niya rin ang pwesto ng matanda ngunit wala na ito.


Dahil sa takot ay bigla akong umiyak na parang bata at di ko mapigilan ang aking mga luha, ramdam ko ang pagyakap ni Ethan sa akin at mahinang sinasabi sa akin na okay lang ang lahat. 


--


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natili sa mga bisig niya. Tinignan ko siya at may isang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

"You're safe." sabi niya sa akin habang hindi parin binibitawan ang kamay ko ngunit yung isang kamay niya ay nasa manabela ng sasakyan. Naalala ko bigla na may takot pala ako sa mga sasakyan, ngunit bakit nawala ang takot?


Simula nung hinahatid niya ako papunta sa paaralan, palagi niyang hinahawakan ang kamay ko. Gusto ko sanang kunin ang kamay ko ngunit natatakot ako na kapag tatanggalin ko ang kamay ko sa kanya ay aatakihin na naman ako sa kaba o kaya natotoo na akong maniwala sa kanya katulad sa tiwala ko kay Darlene?


Baka siguro, I overcome my fears?


"Don't worry" he whispered at pinatuloy ang pagdrive.


--


Agad kaming sinalubong ng kanilang mga employee sa resort. Tinignan ko ang resort at masasabi ko na konting linis lang ay pwede na itong magbukas.


"Good Afternoon, sir." bati ng manager ng resort. Patuloy lang si Ethan sa paglalakad at hindi niya ito pinansin while I gave him a curt nod.


Tahimik ko lang sinusundan si Ethan siguro nagmumukha na akong aso na sunod-sunod kay Ethan pero yaan mo na pati yung manager sunod-sunod rin.


May mga bagay-bagay na sinabi si Ethan sa manager, mga bagay siguro na dapat palitan or what so ever, hindi naman ako nakikinig.


"Anong pangalan ng resort?" tanong ko bigla, habang nag-uusap silang dalawa. Napalingon sila sa akin.


"We are still thinking about it." sagot ni Ethan sa akin. Meron na lahat ngunit walang pangalan, diba dapat ang pangalan ang unang isipin? Anyway, may saltik naman yan sa utak si Ethan kaya siguro mas inuuna niya ang mga komplikadong bagay kaysa sa mga simpleng mga bagay. 

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon